Wednesday, May 28, 2008

terminal

Terminal

Sa aking pagmuni-muni
Binabagtas ang sakayan
Sadyang di napansin
Isang bukod tanging nilalang

At sa akin ngang pag-upo
Ika’y aking nasilayan
At sa aking labi ay namutawi
Isang lihim na pagngiti

Habang lulan tayo ng sasakyan
Ika’y nakatulog ng d inaasahan
Pagtitig at paghanga ang nadama
Nang makita ang ‘yong inosenteng mukha

Sadyang napakabilis ng pangyayari
At ako’y nawala sa aking sarili
Nang magtama ang ating paningin
Wari ang puso ko ay naglihim

Sa pagbaba mo ng ating sasakyan
Mga mata’y ika’y sinundan
Sana ay bukas muli kang masilayan
Upang malaman ang iyong pangalan


Am sorry if some of you don’t understand this sonnet… I preferred to write it in my native dialect

No comments: