Thursday, February 26, 2009

why did my jenny cried?


edits: none
model: jenny

remember jenny!? op kors you remember her!!

ngayong isa na nga akong certified bum, nakagawian ko na na tumambay sa bukid malapit sa subdivision namin every5 or 5:30 ng hapon. pag nandito ako, napaka-relaxing ng scenery! puro luntiang damo at palay ang aking nakikita. gustuhin ko man na kuhanan ng picture pero hindi kakayanin ng powers ng aking digital camera ang vast grandeur ng aking nakikita.

nang minsang sinama ko si toyo dito, nabanggit ko sa kanya na trip kong puntahan yung isang mistulang "pulo" sa may d kalayuan. bale parang lupa lang sya na napapaligiran ng puno sa gitna ng bukid. at dahil nga isang pangahas si toyo, sinabi nya na puntahan namin iyon. i was hesitant at first but i gave in in the end. wala lang, nagpunta lang kami dun para tumambay (as usual) at maglaro ng langit at lupa... oo! naglaro kami ng langit at lupa! yung game na nilalaro natin nung bata pa tayo!? naalala mo na!? yun nga yun wag kang mag-alala! dahil nga puno na ng polusyon and kanyang katawan (dahil sa yosi at nomo), madali syang napagod at kinailangan na naming magpahinga. out of nowhere, bigla syang bumanat:

toyo: dude kung papangalanan mo itong place na ito, anu yung itatawag mo sa kanya?
ako: *nag-isip ng malalim*
ako: eden.
toyo: sige! mula ngayon eden na ang itatawag natin dito.
ako: -_-;
toyo: next time magdala ka ng lanseta para mai-ukit natin yung pangalan natin sa puno
ako: -_-;
ako: sige... sige...
toyo: pero gusto ko pag inukit mo yung pangalan natin dapat kasama ako dude ha!?
ako: sige... next time... if ever na pupunta ka pa dito.

lagi naming kasama si jenny everytime na pupunta kami dun and yesterday wasn't an exception, the only difference is that i've been going back to eden alone for the last week or so. si jenny ang naging sandigan ko nung mga oras na yun. kahit d sya makaakyat sa puno, i always have my eyes on her. just by looking at her, i feel strong. sya lang ang naging kasama at kaibigan ko sa mga nakalipas na araw. pasado 6:30 sa aking relo ng mapagdesisyunan ko na bumalik na sa aming bahay. habang magkasama kaming naglalakad pauwi ay napansin ko na lamang na umiiyak sya. hindi ko alam pero parang natunaw ang buong mundo ko. si jenny ang kinakapitan ko at pinaghuhugutan ko ng lakas these past few days and yet ngayon nakikita ko sya na mahina.

ako: wag kang umiyak please. kailangan kita naun.
jenny: ...........
ako: kaya kong umiyak para sa sarili ko so please be strong for me. alam ko naman na nasasaktan ka lang dahil sa nasasaktan din ako. ayokong maapektuhan ka ng mga shits ko.
jenny: nakita na kitang umiyak sa may eden. nakita na kitang nasaktan habang tayo'y nag-uusap. alam ko kung kelan mo suot ang poker face mo. bakit ba kase kelangan mo pang isuot yan tuwing sya ang kasama mo?
ako: ........
jenny: nakikita kitang laging nakangiti pero pag tayong dalawa lang, pag malapit ako sa puso mo, parang hallow sya, napakahina at halos mamatay na ang pintig ng puso mo. minsan iniisip ko tuloy na wala na ngang saysay ang lahat.
ako: jenny... buti ka pa nakikita mo yun. buti ka pa alam mo lahat yun. buti ka pa napapansin mo yun.
jenny: sasamahan kita kahit saan mo ko yayain. sasamahan kita kahit saan mo ko dalhin. kahit na sya yung naging reason mo ng extension feeling ko sya din naman ang pumapatay sa yo! kung d ka binigyan ng extension e di sana nahimlay ka na lang ng maluwalhati
ako: kaya kong umiyak para sa sarili ko. kaya kong masaktan para sa sarili ko at napapansin ko na nagiging emosyonal ka na din dahil sa akin.
jenny: .......
ako: .......

*utter silence*

Tuesday, February 24, 2009

signs

edits: none
location: our street

when you come into our subdivision, this will be the street address that you'll be looking for to reach my house. signs are often times helpful and useful in our everyday lives. but most of the times, these signs are the ones that give us endless sleepless nights.

have you ever felt that them tears are just free-flowing from your eyes until it puts you to sleep? one minute you're havin the time of your lives and the next thing you know you're broken into tiny pieces. there are so many stuff running in my head right now but i dunno how to write them and where to start. lemme just compose myself and hopefully i can share them to you on the next entry.

here's something that might stir something - i never believed in signs all my life. i am the dense, insensitive and dont-give-a-damn type of person. here's 2 different perspective that came to my attention just a few days back:

jennesis:
"why do people insist on waiting for a sign? i just don't get these types of people. if sumthin is right in front of them and they know for a fact that they want it and that they can do somethin about it, why don't just go and grab that opportunity instead of waiting for that sign to come?"

jexamine:
"i kept on asking for a sign for all the stuff that i will do and until tonight, they have all been answered. before when i am about to resign from my work, i asked for a white rose as a sign. that evening, my ex gave me a white flower and i immediately passed my resignation paper the next day. i guess it's appropriate to say that signs are for those people in doubt - people that has little or no confidence either in themselves or in their decision"

jexamine shattered everything that i believed in. all my life, i lived by jennesis' principle but right here, right now someone is actually standing in front of me as a living proof saying that signs really do exist!

go figure...

Thursday, February 19, 2009

A valentine’s day entry


edits: none
location: clarkfield pampanga
model: mine and toyo's hand

Bago pa man sumapit ang taunang araw ng mga puso ay kinukulit na ako ng isang tao na nagngangalang anshan tungkol sa aking valentine’s day entry dito sa blog ko ito na wala namang nagbabasa. Sinabi ko sa kanya na wala akong balak na gumawa ng blog entry sa araw na iyon d dahil wala akong maisulat ngunit dahil ayoko lang (isa akong selfish na bata). Pero dahil 88 years nang walang update itong blog ko, naisipan ko na ibahagi sa inyo kung anung mga kabulastugan ang aking ginawa nung mga panahon na yun.

February 12
Mag-isa lang ako sa bahay dahil nagbakasyon ang aking ermats at erpats sa paniqui, tarlac. Kagaya ng nakagisnan, kaming dalawa ni toyo ay magka-text simula pa lang ng aming paggising. Nabanggit ko sa kanya na baka tumambay ako sa kanila sa vday dahil nangako sya na ililibre nya ako ng kendi. Naisip ko na maglaba ng aking mga damit dahil kapag nandito sila erpats ay ayaw na ayaw nila akong pinaglalaba. Kinuha ko ang aking ipod at ang Logitech kong speaker (hahahaha) nang sa gayon ay malibang ako habang naglalaba. Habang nagkukusot ng mga damit, biglang sumagi sa aking isip ang tanong na “ano kaya ang ibibigay o gagawin ko para sa kanya sa vday?”. Ang obyus at gasgas na sagot dyan ay syempre ang walang kamatayang roses at chocolates. Naisip ko na din naman yan pero naalala ko na sinabi nya sa akin dati na ayaw nyang binibigyan sya ng roses (sa d maipaliwanag na dahilan). Nahirapan akong mag-isip ng ibibigay ko sa kanya at wari lahat ng nerves sa aking utak ay nagrerebolusyon at nag-iisip hanggang sa ang isa sa kanila ay nagsabi na magregalo na lang ako ng isang charcoal portrait painting. Isang napakagandang ideya nga naman ng aking naisip para sa isang natatanging tao sa buhay ko. Minabuti ko na tapusin na ang aking paglalaba at naisip ko na kinabukasan na lang magpagawa ng portrait.

February 13
Nagsimula na naman ang araw ko ng akin syang I-text. Sinabi ko sa kanya ulet na baka magpunta ako sa kanila sa vday dahil gusto ko syang makita sa oras na ako ay muling bumalik.

Toyo: saan ba ang lakad mo?
Ako: meron lang akong kakatagpuin.
Toyo: sino naman yun?
Ako: *pilit na itinatago ang totoong dahilan*
Ako: isa kang tsismosa! Hahaha.. wala naman, no one important. Meron lang akong ipapagawa sa kanya

Pagkatapos ng tanghalian ay umalis na ako ng bahay at d na din kami nag-usap. Dumating ako sa megamall at hinanap ang stall.

Ako: ate magkano itong ganitong size na painting?
Ate: *sinabi ang presyo*
Ako: ahhh.. e gaano naman katagal na gagawin yan?
Ate: tatlo hanggang limang araw
Ako: *nagulantang at hindi mapakali*
Ako: may nagsabi sa akin dati na tatlong oras lang.
*sumingit ang artist na nag-I-sketch*
artist: kelan mo ba kelangan brad?
Ako: bukas sana e. kelangan ko lang. Akala ko kase oras lang ang kelangan para matapos yan kaya ngayon lang ako nagpagawa.
Artist: o sige! Matatapos yan bukas after lunch

Nung sinabi ni artist-man yun ay lumayo muna ako at nag-isip…. At nag-isip…. At nag-isip. Pagkatapos ng 30 minutong pag-iisip ay napagdesisyunan ko na magpagawa na din. Pero sandali lang, naisip ko na kung after lunch pa sya matatapos e kakailanganin ko na naman bumalik bukas. Sayang naman sa pamasahe at sa pagod. Aha! So naisip ko na I-text ang maganda kong pinsan para itanong kung pwede ako makitulog sa kanila. Hindi naman ako napahiya at sinabi nya na ayos lang daw akong makitira muna sa kanila sa araw na iyon. Habang nasa quantum ako ay nagtext sa akin si toyo at tinatanong kung natuloy ako sa aking lakad. Pagkakataon na lowbatt ang aking celpon kung kaya’t d ko sya nasagot. Tumambay ako sa quantum para panoorin ang naglalaro ng drummania at ang pesteng tekken 6 hahahha. Nang mabagot ako ay dumiretso na ko sa condo unit ni insan at ako ay nakatulog agad. Pagkagising ko ay sinubukan kong I-on ang aking cellphone, swerte naman na may toyo ang baterya kaya nakapag-reply ako kay toyo:

Ako: ne toyo, baka late na ako makapunta dyan sa inyo bukas kase d naging maganda yung pag-uusap namin nung kausap ko so magkikita ulet kami bukas
Toyo: ayus lang naman. Maaga din naman ako susunduin ng mga ka-tropa ko para sa inuman
Ako: aaahhh ok! Hinay-hinay lang sa inom. Nandito nga pala ako sa condo.

At tuluyan na ngang nawalan ng battery charge ang aking telepono. Pagdating ni insan sa condo ay sinabi nya sa akin na saglit lang sya sa condo dahil gigimik daw sila. Ayos lang naman sa akin kase pumunta lang ako dun talaga para makapagpahinga at makitulog. Hiniram ko ang kanyang celpon para makitext at mai-text si toyo. Parang walang patutunguhan ang pag-uusap namin ni toyo hanggang sa ako ay lumipat na sa kabilang kwarto para matulog. Naisip ko din na magandang pagkakataon ito na kagaya nung sa mga pelikula sa sinehan. Inisip ko na sadyaing pumunta sa kanila ng late na para d ko sya abutan, iiwanan ko na lang ang regalo sa kanilang bahay at ma-surprise na lang sya sa sandaling makita nya iyon.

February 14
Ang araw na pinakahihintay ng lahat ng may mga puso! Maaga kaming nagising ni pinsan at dahil sa awa nya sa akin ay pinahiram nya ang celpon ng kanyang asawa. Nag-send ako ng group message dahil sayang naman ang aking unlitext kung d ko ito magagamit. Nagreply si toyo ng quote ngunit d ko iyon ni-reply-an para naman magkaroon kahit papano ng element of surprise pag pumunta ako sa kanila (dahil d nga nya ini-expect na pupunta ako sa kanila at d ko din ini-expect na makita sya). Parang tampo mode or pakipot mode ako kumbaga hahahh. Naisipan ni pinsan na ngayong araw na bilhin ang pinangako ko sa kanyang gym bag (at dahil na din may tampuhan sila ng kanyang asawa). Umalis kami sa condo pagkatapos ng tanghalian para magpunta sa megamall. Pagdating namin doon ay pumunta kami agad sa pinagpagawaan ko ng portrait ngunit sa kasamaang palad ay d pa tapos kaya’t nagpasya kami na maghanap na muna ng gym bag. Naghanap si pinsan sa loob ng 3 oras at nang wala syang matrip-an ay napagdesisyunan nya na mag mall-hop papuntang trinoma. Kinuha namin ang aking regalo na portrait para kay toyo at kumain bago tuluyang sumakay ng MRT papuntang trinoma. Laking pasasalamat ko dahil nakakita agad sya ng isang magandang gymbag na sa bandang huli ay napagdesisyunan na naming bilhin. Pasado alas-kwatro nang ihatid nila ako sa may terminal at umuwi na din sila sa condo. Mag 5:30 ng hapon ng dumating ako sa bahay at sa d maipaliwanag na dahilan ay nagmamadali ako. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ako nagmamadali gayong alam ko naman na pag dumating ako sa kanila ay d ko naman sya aabutan. Nag-burn din ako ng kopya ng secondhand serenade na cd dahil nasira na daw ung kopya na binigay ko sa kanya dati. 5:45 ng hapon ng dumating ako sa kanila at nakita ko agad ang kanyang utol:

Ako: anou….
Utol nya: ate… may naghahanap sa yo.
Ako: *nagulat at nagtaka*
Ako: huh!? Nandyan sya?
Toyo: sino?
Utol nya: si jayp
Ako: *gulat at parang ako pa ang na-sorpresa*
Ako: baket andito ka? Akala ko ba may lakad ka ngayon?
Toyo: d na ko sinundo e. nakalimutan na yata. Humabol ka pa talaga sa vday? Anu yan?
Ako: bale eto yung cd tas eto gift ko sa yo. Pero wag mo munang buksan. Hintayin mong makaalis ako.
Toyo: *excited at d maitago ang saya*
Toyo: aaaaiiiii! Anu ba ito? Baka mamaya bomba ito kaya ayaw mo buksan ko.
Ako: d ko pa nga din yan nakikita e kaya mamaya mo na lang buksan pag alis ko.
Toyo: a basta bubuksan ko na.

Wala na akong nagawa at binuksan na nga nya ang aking regalo. Isang napakasarap na pakinggang “WOW!” ang namutawi sa kanyang mga labi. Kitang kita ko sa kanyang mga mata na talagang nasiyahan at nasorpresa sya sa aking binigay na regalo. At syempre dahil may toyo sya, ipinakita at pinangaya nya iyon sa buong pamilya nya. Sabi ng erpats at utol nya d daw nya kamukha kasi mas maganda daw yung nasa painting kesa yung nasa totoong buhay waahaha. At natural, habang andun ako ay nagkwentuhan kami kung anu anung mga bagay ang pumasok sa utak ko at iyon ang napili kong regalo sa kanya at ang mga bagay na pinagdaanan ko bago ko maibigay yun sa kanya. Ako ang bumangka sa aming kwentuhan (na napaka-rare manyari) at napapansin kong nangingiti sya habang ako ay nagkukwento. Pagdating ko sa bahay ay lubos pa din ang kanyang pasasalamat sa binigay ko sa kanya. Nag-text din sya at sinabi na na-touch daw sya ng sobra sa binigay ko sa kanya kaya d nya mapigilang mapangiti at masiyahan..

Anhaba pa neto at nag-usap pa kami pagdating ko sa bahay kaya lang sa tingin ko ay sapat na itong kwento ko na ito para sa entry na to.

Monday, February 9, 2009

desktop shot


after 88 years (well... not really), this is the first time that i have made another custom wallpaper for personal use. i know that it's a bit blank right now and me being rusty definitely shows in this graphix. it's as if it lacks the flair that i once infused on all of them. well am not rushin things and i know that all the things that i knew before will slowly slither their way back in to my demented brain sooner or later...

pass or fail?

Sunday, February 8, 2009

a cut above the rest


edits: none
subject: some flower that i don't know

a lot of sh*ts been happening lately. like i sez numerous times, we all have our own sh*ts to think and take care of but what differs from person to person is how he handles these sort of unexpected sh*ts. take one, my case... a very common and yet unorthodox one hahah.

i have no job now, a additional number to the dozen and dozen numbers of bum out there. but the thing is that i don't see this as one of the downside, in fact i see this as a opportunity. how?! well for one thing i can go back to my roots of designing websites and animation and then catch up with the long to-watch list of anime but the best thing that happened, by far, is that i have the opportunity to spend some time with her.

a great leader from my previous job told us that this sort of crisis is good because you will see who is ready to step-up, take the challenge and won't fold during crunch time.

it's time to find out who will be left by whom in this race that we chose...

Sunday, February 1, 2009

breakfast


edits: none
location: some subdivision in the philippines

due to the financial crunch that some of us are experiencing, i was forced to scavenge for food to sustain myself. luckily, i found this little critter lying in our sidewalk and voila! instant breakfast! i have no idea what this thing is but am sure that it will go nice with some salt and pepper and some spices.

ittadakimasu!!!

what's your breakfast for today?