Tuesday, October 27, 2009

Episode closure: realization


edits: none
photo: provided by shan


Note: this is one lengthy post so if you ain’t got the time, I’d suggest for you to look away. On the other hand, If you have some time to spare then divulge yourself on the culmination that is shan’s story. This is the climax of the series and I hope I did justice to someone’s expectations. For better understanding, I’d suggest to browse by the previous episodes so as you can have a better grasp of the sudden turn of events. Enjoy this as I’ve enjoyed writing the series…

Episode one kiss, one last time

Episode twolip
Episode threeumvirate
Episode fourgotten: apprehension

Sa kaarawan ni shan, minabuti ko na mauna nang pumunta sa mansion nila… ay teka, mali, mali pala… sinabihan ako ni shan na mauna na ako sa mansion dahil may dadaanan pa daw sya… segue… 6:08 na ng hapon – asa labas lang ako ng mansion ng biglang dumating ang maangas na unicorn. Malamang lamang na alam ko na si shan ang bababa pero napanganga ako pagbukas nya sa kabilang pintuan. D ako makapaniwala na may pinasakay syang ibang tao sa unicorn! Halong pananabik at pagpapawis ng kamay ang tangi kong naramdaman. Sa wakas!! Bumaba na ang tao – babae sya, may maangas na suot na salamin. Lumuwa ang aking mata ng makita ko si xilvie na lumalabas sa unicorn. Sa halip na pagbati kay shan, nabaling ang atensyon ko kay xilvie

Jxmn: xilvie! D mo lang alam na napakaswerte mong bata ka!
Xilvie: huh!? Baket naman!? Dahil maganda ako!? Hehh
Jxmn: asa hahaha.. apakaswerte mo kase nakasakay ka na sa unicorn! D mo ba alam na tanging ikaw lang na babae ang nakasakay dyan!? San kayo nagpunta ha!?
Xilvie: o e anu naman naun kung ako ang una? Hahah
Shan: *biglang sisingit*
Shan: ehem. Ehem.. dude andito nga pala ako.. baka naman pwede mo akong batiin
Jxmn: ay honga pala! Sorry d kita napansin e hahah… haberdey men!

Minabuti ni shan na sa isang simpleng salu-salo na lang ng hapunan na idaos ang kaarawan nya – walang yosi, walang nomo, walang babaeng naghuhubad at walang porn movie. Nakakapanibago – parang apakahirap huminga gayong apakalaki ng mansion. Napakatahimik! Parang nagpapakiramdaman kaming tatlo at tanging mga mata lamang ang ginagamit para mangusap. Natural na siguro sa lahat ng mga dudes ang ganito – maging seryoso at tahimik dahil meron silang mga balak. Meron silang gustong sabihin at ipahiwatig ngunit naghihintay at naghahanap pa ng magandang tyempo. Salamat naman sa pagiging buraot ni xilvie at nabasag ang katahimikan na nararanasan namin

Xilvie: am sorry… I must be in the wrong venue
Shan+jxmn: huh!?
Xilvie: bertdey pinuntahan ko, inde lamay or burol.. adik ba kayo!?
Jxmn: eto naman o! aus nga yun e, solemn d ba!? Pero dahil dyan sa ginawa mo, ayan mag-iingay na tuloy ako…
Xilvie: aaasssuuussss!! Solemn, solemn pang arte na nalalaman…. Umaus ka nga.. belat
Jxmn: hahhaa… sige, sige na nga… just to break the ice, here’s a toast para sa birthday boy.. para sa isang dude na nasa kanya na lahat ng gusto at kelangan nya…
Shan: ….
Jxmn: salamat sa pag-invite sa akin, sa amin dalawa ni xilvie. Salamat sa nag-uumapaw na pagkain
Xilvie: takaw mo!
Jxmn: aahhhmmmm… pwede teka… kase nag-speech ako e
Xilvie: sorry. Sige tuloy mo na father jex hahah
Jxmn: salamat… ahem… seryoso bro, ibabalik ko lang sa yo yung sinabi mo sa akin nung bertdey ko pero may onting mod syempre.
Shan: ……
Jxmn: sana bago matapos ang araw mo, maging kumpleto ka… sana maging receptive si alfred at malawak ang kanyang pang-unawa… sana maging masaya kayong dalawa… sana nasa kanya yung kanan na pakpak na hinahanap mo… cheers men!
Shan: *biglang napatingin sa akin ng seryoso*
Xilvie: Alfred?! eeeeeeeeeeewwwwwww!!!! Since kelan pa nagbago ng preference si shan? Sawa ka na ba sa babae kaya kapwa mo dudes tinitira mo!? Nasusuka ako pero sayang naman yung mga nakain ko…
Shan: …………..
Jxmn: ………..
Xilvie: segue ako naman… salamat sa pag-imbita sa akin, salamat sa pagkain…
Jxmn: rrreeeeppppllllaaayyyy!!! Inulit mo lang sinabi ko e… takaw!
Xilvie: walang nangengelam ng trip! O game! Shan, jex salamat sa pagkakaibigan. Salamat sa masasayang panyayari, salamat sa lahat-lahat. Jex, nakakita na ako ng violin kaya lang pinag-iipunan ko pa. Shan, araw mo ito! Dapat masaya ka! Wag kang tumahimik lang dyan! Gusto mo ba na tawagin ko pa si joker? Seryoso gagawin ko yun para lang maging masaya ka… teka anu nga pala pangalan ni joker?
Jxmn: mam sheena…
Xilvie: ayun, kahit tawagin ko pa si mam sheena, aus lang sa akin…
Shan: *napatayo sa kinauupuan*
Shan: bro, salamat sa pagpunta mo dito… eto, cheers para sa kumpletong ikaw at para sa inaasam mong langit
Jxmn: ………..
Jxmn: emo!!!!
Shan: xilvie, salamat sa pag-aalala mo sa akin palagi. Kaw lang ang laging andyan para sa akin sa lahat ng oras…
Jxmn: ahem.. andito din kaya ako…
Xilvie: asa ka pa jex… teka shan, nakalimutan mong sabihin na maganda ako…. Hahahah
Shan: maganda!? Ha!? Asan!? Alam ko tayong tatlo lang andito e…
Xilvie: *pout*
Shan: joke lang.. eto naman! Onaman! Maganda ka! O ayan, happy!?
Xilvie: yay!

Sa wakas bumalik na ang normal na paligid at makakakain na ulet ako ng mabuti. Matyaga kong hinintay ang mga susunod na manyayari, kung anu ang gagawing hakbang ni shan para mag-confess kay xilvie. Naghintay ako… at naghintay… at naghintay pa ng medyo matagal… at naghintay… tumingin sa orasan… at sa wakas….. wala syang ginawa!? Oo! Wala syang ginawa! Walang nanyari! Syet! Uwian na at wala pa din sya ginawa… hinatid na nya kami ni xilvie sa pintuan. Sa aking pagkadismaya, sinabi ko kay xilvie na kakausapin ko lang sandali si adik.

Jxmn: tol! Anu yun!? Yun na ba ang grandmaster plan mo!? Ang ihatid sya sa pintuan!? Ambangis mo pala dumiskarte no!?
Shan:
Jxmn: tol naman! Akala ko ba desidido ka na!?
Shan: ……
Jxmn: isipin mo na kung eto na ang huling pagkakataon mo at sa kanya ka pala liligaya, pipigilan mo ba sarili mo!? D ka ba magsisisi na wala kang ginawa kundi ihatid sya sa pintuan!?
Shan: …….
Jxmn: wala ka pala e… bakla ka pala…
Shan: …..
Jxmn: dude! Sinakay mo sya sa unicorn! Sinundo mo sya sa bahay nila gamit ang unicorn! Alam mo ba ang significance nun!? Naiintindihan mo ba ang kahalagahan nun!? Naalala mo ba yung sinabi mo sa akin dati tungkol dun!?
Shan: *nagsalita na sa wakas*
Shan: oo
Jxmn: yun naman pala e… sugod na men!
Shan: bro…
Jxmn: …..
Shan: iniisip nya na kelangan ko pa din si sheena hanggang ngayon. Iniisip pa din nya na si sheena pa din ang buhay ko… kung magtatapat ako sa kanya naun, baka isipin lang nya na ginagawa ko syang panakip butas…
Jxmn: parehas natin hindi alam kung anu ang manyayari pag sinabi mo sa kanya at parehas tayong walang alam kung anu ang tumatakbo sa isip nya
Shan: ……
Jxmn: nagmamakaawa ako, sumugal ka! Please lang…
Shan: ……
Jxmn: pppffftttt….. hhhaaaiiizzzz… teka, dito ka ba sa mansion matulog?
Shan: inde. Uuwi din ako sa apartment.
Jxmn: segue… sabay, sabay na tayo. Daan ako sa apartment mo mamaya para ibigay yung regalo ko
Shan: samahan na kita umuwi sa bahay mo.
Jxmn: inde! Hintayin mo na lang ako sa apartment mo

Naghiwa-hiwalay na kami ng landas – ako at si xilvie, magkasabay na naglakad habang sa kabilang daanan naman si shan. Tinahak namin ni xilvie ang usual na dinadaanan at as usual, tahimik na naman kaming dalawa. May kung anung kakaibang sapi siguro si xilvie nung mga panahon na yun kaya nagyaya sya sa parke kung saan trip daw nya sumakay sa duyan (swing).

Xilvie: ganito pala dito pag gabi no!? antagal ko na din na d nakatambay ditto…
Jxmn: adik ka no!? anlakas mo din mag-trip
Xilvie: hahahah
Jxmn: *nagsindi ng yosi*
Jxmn: sige na xilvie, tayong dalawa na lang dito, wala nang ibang tao
Xilvie: huh?!
Jxmn: nakasama na kita sa halos 8 buwan at kahit papaano ay nakilala na kita.. gaya ng sabi ko, wag kang mag-alala kase tayong dalawa na lang dito
Xilvie: *huminga ng malalim*
Jxmn: anung problema? Anung sasabihin mo sa akin!?
Jaxmn: *sabay buga ng usok mula sa yosi*
Xilvie: bakit sya ganun!? Anu bang problema nya!? D lang naman si sheena makakapagpasaya sa kanya! D lang naman si sheena ang buhay nya! At d din nya kasalanan na ibang tao ang trip ni sheena.
Jxmn: aahhhhh… tungkol pala kay shan… baket apektado ka!?
Xilvie: d kase nya na-enjoy yung bertdey nya
Jxmn: *tumingin sa langit*
Jxmn: alam mo ba na sya yung tipo ng bata na d na kelangan pa ng maraming tao o kaibigan para lang makagawa at ma-enjoy ang mundo nya!?
Xilvie: *tumingin sa mga tala*
Xilvie: Maganda nga ang langit… kaya pala d ka nagsasawang tumingala.
Jxmn: isang tao lang ang kinailangan ni shan, isang tao lang, para buuin ang mundong pinapangarap nya.
Xilvie: parang ikaw pag nakatingala sa langit at pinagmamasdan ito buo na ang mundo mo!?
Jxmn: tumpak!
Xilvie: lemme guess, si sheena yung sa kanya!?
Jxmn: yep. D ko din alam yung buong istorya pero iba yung shan dati sa nakikita mo naun
Xilvie: ……..
Jxmn: d naman nagyoyosi yan at d din umiinom dati e. pero mahilig na talaga yan sa porn…
Xilvie: *bunting-hininga*
Jxmn: pero alam mo, sa nakalipas na buwan parang bumabalik na yung dating shan na nakilala ko.
Xilvie: baka aus na ulet sila ni sheena
Jxmn: baka nga…
Xilvie: deds sa akin yung sheena nay an pag binasag nya ulet si shan
Jxmn: *nagulat*
Jxmn: uuuuuiiiiiii!!! Masyado namang concern yan!! May issue ba!?
Xilvie: *blush*
Jxmn: hahahha… namula ang bata!
Xilvie: ……………………………………
Jxmn: teka, anung oras na ba!
Xilvie: 10:08
Jxmn: trip mo makita apartment ni shan? Panigurado asa bahay na yun sa mga oras na ito
Xilvie: hhhhhmmmmmmm
Jxmn: wag kang mag-alala, sasamahan naman kita e…
Xilvie: sige, sige.. parang bertdey celebration part 2… wwooohhoooo!!

At pumunta na nga kaming dalawa ni xilvie sa apartment ni shan… peste napakadilim! D ko naman alam kung bakit. Naisip ko na lang na baka natutulog na ito pero tumawag na din ako.

Jxmn: shan! Shan!
Xilvie: natutulog na ata…
Jxmn: inde yan! Hoy shan! Bumangon ka nga dyan! Bilisn mo! Apakadilim kaya dito…

Ayun! Nakarinig na din kami at last ng mga footsteps mula sa loob ng bahay… pupungas-pungas pa ang adik sa pagbubukas nya ng pintuan.

Jxmn: haberdey men!!
Shan: huh!? D ba kaka-celebrate pa lang natin kanina?
Xilvie: oo nga pero eto ang part 2 hahahah
Jxmn: teka men, bakit nga pala andilim sa apartment mo?
Shan: d pa kase ako nakakapagbayad sa meralco e
Xilvie: tamad mo talaga no!?
Shan: teka, pasok muna kayo sa loob

Sa loob ng apartment, sa may sala

Shan: saglit lang, kukuha lang ako ng kandila
Jxmn: waw! Ang romantic naman… tamang-tama para sa bertdey mo
Shan: hahah! Honga e, wrong timing kase kayo
Shan: *naglalakad pabalik sa sala dala ang kandila*
Jxmn: anakanam…. Anu yan!? Baket naman ganyan kandila na dala mo!? D kaya aabot yan ng magdamag sa sobrang liit.
Shan: aus lang yan… d naman ako takot e.
Xilvie: yyyeeesss!!! Brave!! Hehehe
Jxmn: uy teka, maiwan ko muna nga pala kayong dalawa dito.
Xilvie: *gulat*
Xilvie: ha!? Anu!? Baket!? San ka naman pupunta?
Jxmn: aahhmmmm… sa bahay?
Xilvie: at baket!?
Jxmn: may part-time kaya ako bukas…
Shan: *nagtaka*
Shan: part-time? Since kelan ka pa nagkaroon nun!?
Jxmn: kanina lang. sinabihan ako ni ser bogard na mag-window washer kami bukas
Xilvie: sama na ko sa yo.
Jxmn: nyek! Kakadating mo pa lang kaya dito. Nakakahiya pa kay shan kase nagising pa natin sya tas eskapo din tayo agad… dito ka muna, tsaka d ba may sasabihin ka pang importanteng bagay kay shan!? D mo na naman ako kelangan dito pag sinabi mo yun..
Xilvie: *natahimik*
Shan: *naguguluhan*

Nagkulitan at nagpilitan kaming tatlo pero sadyang wala silang panama sa katigasan ng aking ulo kaya’t di nila ako napigilan sa pag-uwi ko. Naiwan si xilvie sa sala at hinatid ako ni shan sa pintuan. Aktong paalis na ako ng bulungan ko si shan.

“haberdey men! Ayan na ang regalo ko sa yo…. wag mong sayangin ha!?”

D maipinta ang mukha ni shan habang pabalik kay xilvie sa sala

Xilvie: adik talaga yung si jex… badtrip pa…
Shan: honga e. tas wala pang kandila dito. Matatakutin ka pa naman ata.
Xilvie: honga pero aus lang kase andyan ka naman sa tabi ko…
Shan: tsaka mas maangas pag ganito. Ang ganda ng ambience, mas romantic
Xilvie: …………………………..
Shan: ………………….
Xilvie: ………………………
Shan: ……………………………………………….
Xilvie: ……………….
Shan: …………………….
Xilvie: …………………………
Shan: aaahhhhmmmmmm…
Xilvie: segue, let’s play a game…
Shan:
Xilvie: simple lang, ang name ng game ay “I like/love, I hate/dislike”
Shan: sound’s simple enough.
Xilvie: magbibigay lang tayo ng mga things or whatever that we like tas may option yung other person for a follow-up question
Shan: no holds-bar?
Xilvie: sige… anything goes… me first… I love alternative music
Shan: woah!! D halata kase parang you’re the mellow/romantic type of music lover… ok ako naman I hate ampalaya.
Xilvie: hahaha d ba yun yung laging binibili ni jex para sa yo pag wala ka sa mood!?
Shan: honga. Adik yun e
Xilvie: hhhmmmm… ako, I like to travel. I love to explore places and meet new people. Kaw ba? Ever been elsewhere?
Shan: nope
Xilvie: aaawwww… why?
Shan: because I love eden
Xilvie: *na-excite*
Xilvie: oooowwww, ako din I love eden! It’s so calm and peaceful
Shan: yeah, I know… I hate people na user. Yun yung reason why I hide my identity in the company
Xilvie: kasama ba ako dun?
Shan: nope… exempted kayong dalawa ni jex hehehe..
Xilvie: you know what?! I like your straightforward-ness… you say what you think
Shan: wweeehhhh!! D nga
Xilvie: yep
Shan: careful though… kase once you’re in my head, it will be impossible for you to get out…
Xilvie: tayong dalawa na nga lang dito babanat ka pa ng ganyang pick-up line na gasgas
Shan: hahah sorry naman.. seriously though, you really wanna know what I’m thinking right now?
Xilvie: shoot.. no holds-bar nga remember!?
Shan: I like it when you wear your glasses. Angas mo kasing tingnan e.
Xilvie: d mo na kelangan sabihin yan! Alam ko na maganda ako! Hehehhe
Shan: *napayuko*
Xilvie: I like it that I can easily read you and your emotions
Shan: ……..
Xilvie: ……….
Shan: *tumingin ulet kay xilvie*
Shan: I hate people that wear them poker face
Xilvie: I know! Badtrip nga sila e
Shan: hell yes!
Xilvie: I love snakes
Shan: you love what!?!?!?!? Seryoso ba yun!?
Xilvie: yep! Hehehe
Shan: like jex, I love staring blankly at the heavens above and star gaze and…..
Xilvie: and!?
Shan: ……..
Xilvie: and think of sheena?
Shan: …….
Xilvie: ui! Follow-up question kaya yun
Shan: oo!
Shan: *pause*
Xilvie: *nalungkot pero d nagpahalata*
Shan: oo……. Dati
Xilvie: *nagulat*
Xilvie: dati!? E baket naun ba?
Shan: nabaling na sa iba ang atensyon ko e
Xilvie: you know what!? I hate sheena aka joker
Shan: *stunned*
Xilvie: yeah! I loathe her! I hate her for making you miserable. I hate that demented laugh, that twisted mind and the ridiculous outfit
Shan: …..
Xilvie: I really hate her!
Shan: ……
Xilvie: I also hat smokers
Shan: *nanlumo ang mata at tumingin sa kawalan*
Xilvie: I also hate drinkers… alak!? Pwe!
Shan: *crushed*
Xilvie: I mean anu ba napapala nyo sa yosi at toma!? Gusto nyo ba madali ang buhay nyo!?
Shan: …..
Xilvie: I really hate them – I mean those types of people
Shan: …..
Xilvie: ikaw… kagaya mo! You smoke….
Shan: ….
Xilvie: you drink….
Shan: ……
Xilvie: and yet….
Shan: ……
Xilvie: and yet I like you
Shan: *surprised+stunned*
Xilvie: I like you a lot. Fact of the matter is, I’ve fallen for you
Shan: *tinitigan si xilvie sa mga mata nya*
Xilvie: are you deaf!? I sez I love you!
Shan: *in a hush tone*
Shan: xilvie…..
Xilvie: …….
Shan: wanna know what I like?
Xilvie: ……
Shan: I'd love to kiss you right now. I’d love it if I am to be a part of your world…
Xilvie: *dahan-dahang pinikit ang mga mata*

Habang papalapit si shank ay xilvie, biglang umihip ang hangin
.
.
.
.
.
Namatay ang kandila
.
.
.
.
.
Dilim
.
.
.
.
wakas

Thursday, October 22, 2009

relapse


edits: shadow and highlights
model: oxygen tank (ddduuuhhh)
location: hospital (ddduuuhhhh)

Alas-sais na ng umaga. Buhat nang dumating ako dito sa bahay, wala na akong inatupag kundi maglaro ng dragonica. Nung mga panahon na yun, nakita ako ni rixa (ri-sha) na online sa YM at nag-PM

Rixa: kuya!!! Teka, hulaan ko, d ka pa din natutulog no!?
Jxmn: wwweeeehhh…. Panu mo nalaman!? Atsaka por yor impormasyon, natulog ako sa fx waheheh
Rixa: aahh… hulaan ko, naglalaro ka pa din hanggang naun no!?
Jxmn: wwwwwaaaiiiii!! Isa kang espiya! Hehehe
Rixa: susumbong kita kay ate (magkapatid si rixa at relix)
Jxmn: ok
Jxmn: *smile*
Jxmn: punta na kayo ni relix dito. Dala kayo ng breakfast para sabay-sabay na tayo kumain. As usual, ako na sagot sa kape.
Rixa: yuki! Lagot ka! Isusumbong kita kay ate!
Rixa: *devil*
Jxmn: bilis no! gutom na kaya ako!
Jxmn: harhar

Ganito na ang nakasanayan namin sa tuwing inuumaga ako ng paglalaro – inaaya ko silang magbreakfast lagi dito sa bahay at minsan ay sawsaw din ang nakababata kong utol pag nakagising na din sya. Pero parang kaiba ang araw na yun, d ko actually maipaliwanag pero kaiba talaga. Nalaman ko na lang ng nanyari na… ulet…

Rixa: kuya pasok na ko ha!?
Jxmn: sure, sure! Asan na breakfast natin?
Rixa: d ko alam e, pinauna na ko dito ni ate. Nagpapatuyo pa kase ng buhok nya, sya na daw bibili ng kakainin natin...
Jxmn: rixa, importante ba ko sa yo?
Rixa: kuya umagang-umaga ang arte mo! Kahit gumanyan ka, isusumbong pa din kita kay ate...
Jxmn: hahahha… tama, tama… ang sa akin e kung makakalusot lang naman
Rixa: sorry.. hehehe
Jxmn: rixa kelangan nyo pa ba ako?
Rixa: kuya tigilan mo nga ako… hintayin mo lang si ate...
Jxmn: kung kelangan nyo pa ako, tawagan mo na si ate relix mo...
Rixa: huh!? Baket naman!?
Jxmn: sabihin mo na bilisan nya...
Rixa: kuya baket!? Anu nanyayari sa yo? Para kasing namumutla ka... aus ka lang ba?
Jxmn: sabihin mo sa kanya, nagpa-palpitate ako… sabihin mo sa kanya na baka may rela------.......

D ko pa natatapos ang sasabihin ko ng bigla na lang dumilim ang paningin ko… wala din ako marinig na kahit ano… napakapayapa pero napakadilim. Alam ko sa sarili ko na naramdaman ko na ito dati pa. Isang pakiramdam na mahirap pero masarap, mahirap itong ipaliwanag at d na dapat ipaliwanag pa

Nang magkaroon ako ng lakas (ng loob) na idilat ang mata ko, nakatingala at nakatitig na pala ako sa kisame. Lumingon-lingon ako sa paligid ko – sa kaliwa may dextrose, nun ko lang napagtanto na may karayom na naman pala na nagpakilala sa maselan kong balat. Sa kanan, oxygen tank pero wala naman ako naramdaman na oxygen mask na suot ko. Malapit sa oxygen tank, sa tabi ng kama ko, nakita ko si rixa na nakadukdok, wari natutulog...

Jxmn: huy!
Rixa: *namamaga ang mga mata*
Rixa: uy! Kuya! Musta ka na!? Andami mo pa arte kanina! Sana sinabi mo na may nararamdaman ka na pala para nadala ka agad dito sa ospital. Wag kang mag-alala, d naman kita sinumbong kay ate sa paglalaro mo.
Jxmn: aaahhhh... asa ospital pala ako... anu nanyari? Asan breakfast naten?
Rixa: breakfast ka dyan! Hinimatay ka kaya! Buti face-forward kaya ayun hinalikan mo yung keyboard mo…
Jxmn: pangala wa na ito
Jxmn: *nag-alala at tila balisa*
Jxmn: asan si relix!? Kelangan ko si relix!
Relix: andito lang ako….
Jxmn: relix, nangako ka sa akin before d ba?! Naalala mo pa ba!? D naman sa pagiging demanding pero mabibigay mo na ba sa akin yung pangako mo sa lalong madaling panahon?

Naghari ang katahimikan… tinitigan ko sa mata si relix at ganun din naman sya sa akin. Wari nagkaintindihan kami na naging hudyat para umalis si rixa. Lumapit si relix sa akin at ako ay kanyang tinabihan.

Jxmn: sorry relix ha!? nag-relapse e...
Relix: ..................
Jxmn: pero pwede na tayo mag-breakfast now.
Relix: …………..
Jxmn: huy!
Relix: breakfast!?
Relix: *tumataas ang tono ng boses*
Relix: Breakfast!? Alas-kwatro na ng hapon! Antagal mo na nakahiga dyan! What the hell’s wrong with you!?

Sa punto na yun, d na napigilan ni relix ang pagluha.

Jxmn: sorry naman. Itigil mo na yang pagtangis mo dyan adik! Eto na o! gising na ko ulet! Ayos na.
Relix: nakakainis ka pa! Anu ba kase!?
Jxmn: asan sila erpats?
Relix: deds ka sa kanila! Pati sa akin!

Naputol ang pag-uusap namin ng dumating ang doktor para kausapin ako. Sa kagustuhan ko na di malaman ni relix ang detalye, minabuti ko na paalisin muna sya

Doctor: sabi nung kasama mo second time ka nang nag-faint…. San ka na-confine dati?
Jxmn: sa may VRP po, sa may mandaluyong. During those days po kase kanila insan ako nag-faint. Mabuti naman po at may malapit na hospital sa area nila.
Doctor: that’s good… sasabihin ko sa yo naun na importante na sabihin mo yung totoo para malaman natin kung papano treatment at rehab mo ok!?
Jxmn: sure po.
Doctor: may naramdaman ka ba bago ka nag-faint?
Jxmn: wala po
Doctor: d ka naman nahilo or sumakit ang ulo or nag-palpitate?
Jxmn: inde po
Doctor: madami ka ba iniisip?
Jxmn: wala po
Doctor: stressed ka ba lately or d ka ba nagsusuka?
Jxmn: inde po.

Andami pang tinanong ng doctor sa akin na di ko na maalala. Nung mga panahon na yun, mas pinili ko na magsinungaling sa kanila dahil ayokong magpa-confine sa hospital. Sinabihan ng doctor si relix na pwede na ako umuwi ng bahay pag naubos na yung dextrose na pinipilit kong tunggain nung mga panahon na yun...

Relix: pwede na daw tayo umuwi pag naubos mo yan kaya bilisan mo ang pag-inom.
Jxmn: see!? Sabi ko naman sa yo aus lang ako e
Relix: muka mo! Umaus ka nga! Sabihin mo nga sa kin – anu ba!? Baket nagkaganun!?
Jxmn: adik! Wala kayang pinipiling oras at panahon yun. Buti na lang andun si rixa eheheh
Relix: yun nga e! Buti na lang andun kapatid ko. Tsaka natakot ako kase antagal mong walang malay dyan .
Relix: *unti-unti na namang pumapatak ang luha*
Relix: ayoko kaya na nakikita kang ganyan
Jxmn: drama mo! Uuwi na nga ako d ba!? Aus na nga e! Dalawin mo na lang ako bukas. Importante para sa akin na asa tabi kita.
Relix: adik! Panu ko magagawa yung pangako ko sa yo kung asa tabi mo ko... ikaw nga itong nagmamadali... kelangan ko tuparin pangako ko sa yo.
Jxmn: aaaiiii!! Basta! Basta! Gusto ko bukas dumalaw ka
Relix: sige na nga. Teka, text ko muna ermats mo para alam nila na uuwi ka na

Pagtransfer na pagkatransfer ko sabahay ay sinalubong ako ng sandamakmak na sermon, pangaral at kung anu-ano pa mula sa magulang ko at kay relix. Buti na lang at pagod ako kaya nakatulog ako agad... baka dala na din siguro yun ng mga gamot na maya’t maya ay pinainom sa akin bago kami umalis ng hospital.

Alas-diyes ng umaga ng magising ako kinabukasan. Tatayo na sana ako mula sa higaan para maglaro ulet ng dragonica ng marinig ko ang tinig na nagsasabi…

Relix: hoi adik! Anu sa tingin mo gagawin mo ha!?
Jxmn: *gulat*
Jxmn: waw! Relix, andito ka na pala.... ang aga mo naman! Aminin mo sa akin, dito ka natulog kagabi no!? D mo ko matiis no!?
Relix: asa ka!
Jxmn: hahaha... teka, bubuksan ko lang pc ko. D kase nagigising ang aking ulirat pag walang sounds sa morning e.
Relix: ako na, ako na. pahinga ka muna dyan toyo!
Jxmn: opo mam! Pppppfffffttttt
Relix: may binigay nga pala meds yung doctor kagabi bago tayo umalis ng hospital. Yung isa sa kanila parang pamilyar tas sabi nya for strict compliance daw.
Jxmn: waw! So private nurse pala kita today
Relix: dude may sasabihin ako sa yo.
Jxmn: anu yun?
Relix: asa ka!
Jxmn: hahah… teka anu yung meds na for strict compliance? Para alam ko din pag wala na yung private doctor ko heheh
Relix: prozac yung name e. alam mo ba yun?
Jxmn: inde e. doctor ba ko!? I-google mo na lang kaya
Relix: talino mo talaga no!?
Jxmn: op kors!
Relix: eto na p-r-o-z-a-c

Tahimik na tinignan ni relix ang mahigit sa sampung libong search result na pinadala ng google. Tahimik sya at seryoso sa pagbabasa... sa dami ng search result na yun, iisa lang ang pinupunto nilang lahat – something’s definitely wrong...

Jxmn: o! Natahimik ka dyan
Relix: wala! Wala...
Jxmn: wushu!
Relix: *bumaling sa akin ang tingin*
Relix: anou, jex, eto seryoso lang… sigurado ka ba na aus ka lang talaga?
Jxmn: honga! Bakit ba!? Para saan ba yang prozac na yan?
Relix: wala nga… sige alis na ko…
Jxmn: wwwweeehhhh!! Anu kaya yun!? Sulitin mo na pag-absent mo today...
Relix: d pwede. Eto nga tinetext na ko ng boss ko
Jxmn: amf

Tumayo si relix mula sa kinauupuan nya, aktong patungo sa pinto para lumabas. Napatigil sya saglit, lumingon ulet sa akin, tinitigan ako sa mata...

Relix: jex, pag gusto mo na akong kausapin, pag feeling mo dapat ko na malaman ang nanyayari sa buhay mo, sabihin mo lang sa akin ha!? D ka naman superhero e. D mo naman kaya lahat ng binabato sa yo ng tao, ng paligid at ng mundo.
Jxmn: *nagulat*
Jxmn: relix...
Relix: ..........................
Jxmn: ..............................
Jxmn: d ko naman kelangan maging superhero para gawin yung mga bagay na may kapasidad akong gawin e. ginagawa ko lang ang kung anu ang kaya kong gawin. Tumutulong lang ako hangga’t kaya ko.
Relix: ………………………

Saturday, October 17, 2009

episode FOURgotten memories:apprehension


edits: none

note: can't understand what's happening!? here, backtrack to episode threeumvirate


Sa isang bench sa labas ng opis, magkatabi si xilvie at jexamine

Xilve: o!? baket apakaseryoso mo naman?
Jxmn: tungkol ito kay shan… naalala mo nung sinabi nya na mayaman sya!? Totoo yun! Malaking bahagi ng kumpanya natin ay pag-aari nila – kabilang ang eden
Xilvie: seryoso ka ba!? Panu sya magiging part-owner slash stockholder dito e city service lang sya.
Jxmn: binibigyan sya ng napakataas na posisyon dati pero mas pinili nya yung trabaho nya ngayon. Mabait na bata yan! Katunayan lahat ng damit ko dito e sa kanya nanggaling.
Xilvie: baket mo sinasabi sa akin yan ngayon!? Anong guston mong gawin ko!?
Jxmn: wala naman. Sa katunayan, sya mismo ang nagsabi na sabihin ko sa yo kung sino sya. Baka may nakita sya sa yo na di ko nakita o nakikita. Nakatira lang sya naun sa isang paupahan pero mansion ang totoong bahay nya. Nakapila ang mga sasakyan nya pero lagi nyang ginagamit yung crv, tas favorite nya si unicorn.
Xilvie: sa fairytales lang kaya may unicorn…
Jxmn: yun yung binigay nyang pangalan sa kulay pula nyang Hyundai coupe. Mag-celebrate ako ng birthday bukas at sa mansion nila shan gaganapin. Gusto ko na sumama ka sa akin.
Xilvie: gate crasher lang!? hahha
Jxmn: inde, inde! Tiyak din na gugustuhin nya na andun ka.
Xilvie: sige! Sayang naman ang free foods na hinanda kung d ako pupunta hahah!

Dumating ang aking kaarawan at nakilala ni xilvie ang totoong shan – kaibang kaiba sa kung sino na nakakasalamuha naming. Dito nakita ni xilvie ang pagyosi at pag-inom ni shan. Dito nya nakita kung papano magtago at maglabas ng hinanakit si shan. Dito nya nakita na kahit pala si batman ay napapaluha din.

Dala marahil ng amats, d naiwasang mabanggit ni shan ang mga bagay na para lamang sana sa piling mga tenga.

Shan: happy birthday bro!! pero sana sinama mo ang langit. Alam mo ba kung ano ang nakikita ko sa yo!? Nakikita ko ang isang masayang bata pero mas nakikita ko ang pagiging kulang ng pagkatao mo. Mas nakikita ko na inde ka kumpleto kesa sa kasiyahan na pinapakita mo.
Jxmn: dude yan ang ayoko sa yo pag nalalasing ka e.
Shan: asa ka na lasing ako… basta sabihin mo lang sa akin na mali ako at pramis titigil na ko.
Jxmn: ……
Shan: kita mo! Among any other things, ikaw mismo alam mo kung ano sya sa buhay mo. Ayokong tingnan mo lang ang langit, gusto ko na lumipad ka para magpang-abot kayo.
Jxmn: di yun ganun kasimple dude. Masyadong mataas ang langit at tanging anghel lang ang makakaabot dito. Kung ikaw asa posisyon ko, anong gagawin mo!? Tas alam mo din na sa bawat kampay ng pakpak mo, lumalayo ang langit dahil mas gusto nya yun – dahil mas pinili nyang pumalaot at magpakataas ng d ka kasama sa paglalakbay nya, dahil d ka na nya kelangan.
Shan: isa lang ang sasabihin ko sa yo at gusto kong pakatandaan mo ito…
Jxmn: anu yun!?
Shan: GABRIEL
Jxmn: *stunned*

Matapos ang makabagbag-damdaming pag-uusap, nagpasya kami na umuwi na ng kanya-kanya naming mga bahay. Natulog si shan sa mansion habang sabay kaming naglakad ni xilvie pauwi. Parehas kaming tahimik – wari nagpapakiramdaman hanggang sa…

Xilvie: alam mo ba na walang langit!? Alam mo ba na kahit lumabas ka sa planeta natin, tanging malawak pa din na kalawakan ang makikita mo!? Ilusyon lang ng tao ang langit kaya mas maganda pa na tingnan yan kesa subukang abutin o hawakan… kase d mo naman talaga maabot yan e, lalo na kung yung langit mismo ang ayaw magpahawak.
Jxmn: alam mo ba ang sinasabi mo!? Naiintindihan mo ba yan?!
Xilvie: oo! Alam ko ang sinasabi ko… napakataas ng langit, d ka ba nangangawit sa kakatingala dyan!? D mo ba alam na sa kakatingala mo dyan, magkaka stiff neck ka at d mo na mababalik ang atensyon mo dito sa lupa!? Sa pagtunganga mo sa langit, masyadong napakaraming pangyayari at tao ang d mo namamalayang dumadaan sa harap mo.
Jxmn: *nakatingala pa din sa himpapawid*
Xilvie: hayaan mo, ihahanap kita ng violin.
Jxmn: sa oras na maibigay o maipakita mo sa akin ang isang violin, maipapangako ko sa yo na d ko na titingnan ang langit at d ko na itataas ang kamay ko para abutin ito.
Xilvie: napakadaling maghanap ng violin, alam mo yan sa sarili mo. Pero d kita bibigyan ng basta-basta lang na violin. Gusto ko yung violin na ibibigay ko sa yo e pwede mo makasama at pwede kang kalmahin. Gusto ko ang violin mo ay top of the line na tipong pag gumawa kayo ng musika, kayong dalawa lang ang nasa mundo. Gusto ko na kahit natapos na ang tugtugan nyo, yung himig na nilikha nya ay manatili sa yo.
Jxmn: hihintayin ko yan ha!?
Xilvie: gaya ng sabi ko, walang langit kaya d mo ito kelangan habulin o hawakan. Itigil mo na yang pagtunganga mo sa langit!! Sige mauna na ko. Happy birthday ulet…

Sa pag-alis ni xilvie, napaupo na lamang ako sa isang tabi at nagsindi ng yosi. Isa-isang inisip at hinimay ang mga salitang binitiwan nya. Hanggang sa tuluyan na akong inantok at nagpasya na umuwi na lang sa bahay.

Mabilis na lumipas ang panahon at d namin namalayan na 8 buwan na din pala naming nakakasama si xilvie. Walang nagbago sa pakikitungo nya sa akin at higit lalo kay shan. biyernes ng gabi, nagulat ako ng sunduin ako ni shan sa bahay dala ang maangas na crv. Wala akong natatandaan na lakad namin hanggang sa sinabi na lang nya na sumakay ako.

Shan: arte mo! Sakay na!
Jxmn: san ba lakad natin?
Shan: dyan lang, kelangan kita makausap
Jxmn: sus! Pwede naman sa loob na lang. magsasayang ka pa ng gas.
Shan: basta may pupuntahan tayo na mas maangas!

D pa man kami nakakalayo e nakatulog na ako, dala marahil ng sobrang pagod. Pagdilat na mata ko, nakahinto na ang sasakyan, asa labas si shan malapit sa dalampasigan.

Jxmn: men patay na ba ko!? Asan na ba tayo!?
Shan: capones, zambales
Jxmn: hhhhhuuuuuuuwwwaaaaaaattttttt!!!!!! Baket tayo andito!?
Shan: kelangan nga kita makausap!
Jxmn: anu ba yun!?
Shan: ganito kase yun… dati laging bisi si batman d ba!? Madalas nyang hinahanap si joker kase naghahasik na naman ng lagim. Natural hinahabol ni batman para ikulong kase superhero sya, yun ang trabaho nya. Pero sa nakalipas na 8 buwan, nabaling ang atensyon ni batman kay Alfred…
Jxmn: sinu naman si Alfred?
Shan: tange! Sya yung buttler ni bruce wayne aka batman
Jxmn: aahhhh
Shan: so yun. Nabaling ang atensyon ni batman kay Alfred. Lagi kasi sya nitong inaalala, inaalalayan at inaalagaan. Pag may sugat si batman, si Alfred ang gumagamot dito, pag nagugutom si batman pinagdadalhan sya ng pagkain nito.
Jxmn: o anu naman sa akin si Alfred!? Anung pakialam ko sa kanya!?
Shan: meron kang pakialam sa kanya kase sya ang naging dahilan ng pagtigil ng paghabol ni batman kay joker. Naisip ni batman na d lang naman sya ang superhero sa mundo… andyan si archangel, si 7th angel at si kapitan sino. Pinaubaya na ni batman ang trabaho ng paghuli kay joker sa ibang superhero… para mag-focus sya kay Alfred.
Jxmn: hhhmmm… kung ikaw si batman, si sheena si joker……………………… ako ba si Alfred!? Hehehe
Shan: phota ka! Seryoso ako! Dude I’ve fallen for xilvie.
Jxmn: *d na nagulat or nagtaka*
Jxmn: dapat sa kanya mo sabihin yan.
Shan: I will! Gusto ko lang makasigurado sa feelings ko para sa kanya.
Jxmn: dapat lang! pero anu’t ano pa man, asa likod nyo lang akong dalawa.
Shan: salamas men! Birthday ko na next week, dating gawi ha!? Sa mansion ulet tayo kasama si xilvie.
Jxmn: anung plano mo!?
Shan: ewan…. D ko pa alam e… ako si batman remember!? I’ll think of sumthin

Makalipas ang isang lingo, sa kaarawan ni shan

itutuloy...

Tuesday, October 13, 2009

the missing piece


edits: none
photo: provided by shan

Breathing should be mundane not only for me, but for everybody else. But I somehow grew weary of doing what is second-nature. Deprived by the needed supplement, my consciousness drifts afar while I hesitantly listen to the bittersweet melodies of marc enfroy. My heart desperately tries to mutter numerous scrawled words in order to awaken the deep trenches of my soul. When my wandering consciousness crossed paths with the unyielding echoes in my heart, they forge a harmonic euphoria that instantly became my lullaby. As I catch my forty winks, a reel of images and scenarios played in my head in an endless loop forcing my mouth to twitch and show that ever-elusive smile.

The perfectly mapped-out grass-laden fields bear witness as we laze around, side by side, our hands clutching the other, with our heads facing the heavens. You haven’t spoken a word since I got there and neither did I. It’s not simply because we can’t but rather we both opted not to. Sometimes, those unspoken words and little gestures are more than enough for us to convey what we wanna say to each other.

The sudden cool breeze prompted you to stretch out your left hand and point towards the vast heavenly bodies. A moment of solitude passes by with the cool zephyr unable to ease the tension that I feel. I then realized that I was frozen, I was petrified in an unthinkable manner. A crystal tear dropped from my eye making both my vision and world hazy. It is by this time that I can feel you tightening your grip. I can feel the warmth that your hand emanates and the softness of your palm rushing from the external within. By this simple gesture, by this simple touch, are you saying “Don’t fret! I’ll be by your side.”? What was once a simple drop of tear became an endless flow of emotions drenching from my cheek down. I opened my mouth but no words came out. I tried to think so as to decode what’s going on but my already exposed emotions have gotten the best of me. Needless to say, hell’s crushing my chest – starting with the most essential yet fragile part. Difficult as it is, I found myself turning away from the panoramic scenery and closed my eyes, anticipating and knowing what was inevitable. In the midst of this emotional frenzy, of this paranoia, you loosen your grip on my hand and before I knew it, I found myself enveloped in your arms. Both you and I know what’s happening and what’s gonna come but you still chose to wear your worn-out façade to lay everything in secret. Is this your way of saying “Leave out all the rest. It’s just you and I so let us live… even for this moment.”?

You! Are you listening? Yes you! The one with the beautiful face, the one with the contagious laugh, the one with a steadfast viewpoint. You with the impeccable charm, you that had been and still is being tested by the world, you that I hold the dearest, you that I love above any else. You that is my future, you that I wanna give my best self. Yes you! I’m talking to you! This piece is for you – all of it.

You very much knew how I fumble on delivering those pick-up lines and the same thing can be said for those cheesy stuffs that I said but……

-to be continued-