Friday, September 18, 2009

episode threeumvirate


Edits: none
Model: a lot
Location: some wedding reception

“hi! Ako nga pala yung talent agent” bungad ni xilvie

Walang kibo si shan , marahil nahihiya na makita ng ibang tao ang namumugto nyang mga mata habang hawak sa kanang kamay ang paborito nyang yosi. Tinignan ako ni shan na wari nag-uutos na lapitan ko sya.

“sandali lang xilvie” sabi ko.
“kakausapin ko lang saglit etong tropa ko…”

Lumapit ako kay shan at mula sa kilos nya ay alam ko na ang nais nyang ipahiwatig at itanong. Naglakad kami palayo sa sanctuary nya at kay xilvie. Nagtungo kami malapit sa man-made batis.

“wala akong sinabi sa kanya. Wala akong kinuwento tungkol sa yo – kung ano at sino ka.” Biglang nasabi ko na lang kay shan.

Sa tagal naming magkakilala at magkasama, nagkaroon na ako ng ideya patungkol sa mga kilos at ugali ni shan.

Shan: e bakit mo sya sinama dito?
Ako: …..
Shan: d ba sinabi ko naman sa yo dati!?
Ako:
Shan: pero ayus lang bro… andyan na yan e hahaha
Ako: d ko alam kung bakit ko sya sinama dito. Siguro dahil napakasimple ng request nya – ang makasabay tayo ng mag-lunch.
Shan:
Ako: gaya ng sabi ko, wala akong sinabi sa kanya tungkol sa yo. Ikaw dapat ang magsabi nun sa kanya kagaya ng ginawa mo sa akin.
Shan:
Ako: di mo naman kelangan i-elaborate. Basta sabihin mo lang sa kanya yung dapat mo sabihin, ako ng bahala maglagay ng palabok hehehe.
Shan: sige… mukha naman mabait at trustworthy. Pagkatapos natin kumain, tingnan ko if she can handle the truth.

Pagkatapos naming mag-usap ay binalikan na namin si xilvie at dahil na din lumalamig na ang binili kong mga pagkain. Nakita namin si xilvie na inaamoy ang tulip sa d kalayuan. Napatigil akosa paglalakad, parang bumagal ang ikot ng mundo, may kung anong bagay na kumurot sa puso ko. Nabunggo ako ni shan at may halong pagtataka kung bakit ako napahinto ng walang dahilan. Bigla nyang hinanap ang kinaroroonan ni xilvie at kung ano ang ginagawa nito.

“syet! Ang tulip!pabulong na nasabi ni shan.

Tiningnan ako ni shan na may malungkot na ngiti at mata. Tinapik nya ako sa balikat…

“miss mo na sya no!?” sabi nya
“oo bro! sobra, sobra! Tingnan mo ulam ko tinolang manok…”

Naging tahimik ang mundo naming dalawa (wari nagkakaintindihan) at makalipas ang 18 segundo ay tinawag na kami ni xilvie dahil gutom na gutom na daw sya. Makalipas ang mahabang panahon, muli kaming sasabayang kumain ng isang tao sa isang lugar na kami-kami lang ang nakakaalam.

“san tayo kakain?” pagtatakang tanong ni xilvie.

D kami nagsalita ni shan at hinayaan na lamang namin na ang nakaturo naming mga daliri ang magsalita para sa amin. Sa di kalayuan, may isang lamesa at mga upuan ang nakahanda na tinatabingan ng anino ng isang higanteng puno ng narra. Sa tabi nito ay puno ng manga na may naka-setup na duyan.

Nakahanda na kami sa pagkain ng bigla kong maalala na di pa nga pala magkakilala ang dalawa.

Ako: ahem.. ahem.. nga pala xilvie, eto si shan tropa ko… shan si xilvie, ang talent agent hahaha.
Xilvie: hi! Alam mo parang d ka naman si batman… actually parang opposite ka nga nya e.
Shan: batman!? Ha?!
Ako: aahhhh…. Wala.. wala yun bro… tara, kain na tayo.

Habang kumakain, d maiwasang magtaka ni xilvie sa kung papano namin nalaman kung papano pumasok dito sa “forbidden garden” at kung bakit parang kabisado namin ang pasikot-sikot dito. D kami sumagot ni shan at nagkatinginan na lamang kami. Naging masaya ang lunchbreak namin dahil na din sa masarap kasama si xilvie at napaka-makwento. Napalitan na ng halakhak at mga ngiti ang kanina lamang na namumugtong mga mata ng tropa ko. D namin namalayan ang oras hanggang sa sinabi na lang ni xilvie na baka daw ma-late na sya. Iniwan namin ang “forbidden garden” ngunit dumaan kami sa pathway na iba kesa sa pinasukan namin ni xilvie kanina. Nagtaka ako sa kinilos ni shan pero may ideya na ko sa ginawa nyang move. Dumaan kami sa legal na daanan kung saan napakaganda, napakarikit at napakaluntian ng tanawin. D mo mararamdaman ang init ng araw dahil sa napakayayabong na mga puno. Gayundin ang iba’t-ibang mga uri ng halaman at bulaklak.

Gaya ng inaasahan, na-in love si xilvie sa nakita nyang tanawin sabay banat ni shan na…
“xilvie may sasabihin akong sikreto sa yo… alam mo xilvie, mayaman talaga ako sa totoong buhay…”

Biglang pumihit ang aking leeg kay shan na kasabay naman ang pagngisi ni xilvie…
“alam ko…” ansabi nya
“mayaman naman talaga si batman d ba!? Meron ka ngang sariling kumpanya tas may batcave ka pa”
“tama! Tama!” sabi ni shan at umalingawngaw na ang tawa naming tatlo. Ngunit sa likod nito, alam ko na kung ano ang nais ipahiwatig ng aking tropa.

Nang sumunod na araw, nakita ko si xilvie sa may pantry…
Ako: gumornin mam!
Xilvie: oh anu sinabi kahapon tungkol sa mam!?
Ako: ay sori xilvie.
Xilvie: sabay ulet ako mag-lunch sa inyo… puntahan ko kayo sa area nyo. Wag na kayong bibili ng pagkain ha!?
Ako: ha!? Don’t tell me pinagbaon mo kame? Anu ba yan!? In-love ka na agad sa akin hahah.
Xilvie: honga e! pasensya ha!? Basta wag na kayo bibili ng pagkain. Magkita na lang tayo sa area nyo.
Ako: yes mam! Hahaahha

Sinabi ko kay shan ang balitang sinabi sa akin ni xilvie. pagdating ng lunchbreak, para kaming naghihintay sa isang bagay na wala kaming ideya kung ano ito. Saktong 12:08 ng pumasok si xilvie sa quarters namin na may dalang malaking bulto ng pagkain.

“waw!! Andami naman neto! Anung okasyon xilvie at binigyan mo kame ng pagkain!?” tanong ko sa kanya.
“wala… naisip ko lang na dagdagan ang pagkain ko today para maibahagi sa inyo. Parang eto na din yung paraan ko ng pagpapasalamat dun sa napakagandang scenery na pinakita nyo sa akin. Tsaka para d na din makita ni batman si joker… d kase bagay sa dark knight ang malungkot” patama nyang sinabi kay shan.

Napatigil ako sa paghahalungkat ng pagkain at tinignan ko si shan. Wala syang kaimik-imik na nakatitig kay xilvie habang ngiti lamang ang tanging sagot ni xilvie kay shan. Parang may sarili silang mundo. Ewan d ko maintindihan. Ang tahi-tahimik naman, wala ni isa sa kanila ang nagsasalita pero parang may sinasabi sila sa isa’t isa sa lengguwaheng alien.

Kumain na nga kami ng pananghalian na sadyang naligayahan kaming dalawa ni shan dahil apakalaki ng tyan namin sa sobrang kabusugan. Pagkatapos ay mabilis na namang natapos ang araw. Paalis na ako sa quarters patungo sana sa bahay nang tawagin ako ni shan…
Shan: bro, sabihin mo na sa kanya yung mga palabok.
Ako: *nagulat* ha!? Seryoso ka ba!? Sasabihin ko na agad!?
Shan: oo! Pero siguraduhin mo na yung mga totoo lang sasabihin mo ha!? Mamaya palabok na nga yan tas dadagdagan mo pa ng palabok. Basta yung totoo lang kagaya ng mga nasabi ko na din sa yo dati.
Ako: nakita ko ang tingin mo sa kanya kanina habang kumakain tayo. Alam ko na alam mo na yung tinutukoy nya na batman at joker
Shan:
Ako: sige! Ako na bahala! Sasabihin ko na ang palabok… mukhang open-minded naman
Shan: salamat men!

Balisa ako kinagabihan. D ko alam kung anu naisip nya at biglang dapat ilagay na ang palabok ng ganito kabilis. Marahil may nakita sya sa kanya na di ko napansin. Pero d bale na! ang importante, may go signal na ako.

Sumunod na araw, minabuti kong hanapin si xilvie para ibalita na di kami pwedeng sumabay sa kanya ng pananghalian.
“ganun!?” ang tanging nasabi nya.
“oo e! pero pwede ba kita kausapin mamaya after ng opis mo?” ansabi ko sa kanya na sinagot naman nya ng isang tumataginting na OO!

Lumipas ang maghapon… 5:30 na – oras na ng uwian…

-itutuloy-

4 comments:

bulos88 said...

si jexamine po yung naka reebok na shoe

jxmn said...

@ser bulo88
- hhhhmmmm... imposible! panu mo naman nasabi ser?!

bulos88 said...

coz i recognize those shoes

jxmn said...

wag kang mag-assume ser ^_^