Saturday, October 17, 2009

episode FOURgotten memories:apprehension


edits: none

note: can't understand what's happening!? here, backtrack to episode threeumvirate


Sa isang bench sa labas ng opis, magkatabi si xilvie at jexamine

Xilve: o!? baket apakaseryoso mo naman?
Jxmn: tungkol ito kay shan… naalala mo nung sinabi nya na mayaman sya!? Totoo yun! Malaking bahagi ng kumpanya natin ay pag-aari nila – kabilang ang eden
Xilvie: seryoso ka ba!? Panu sya magiging part-owner slash stockholder dito e city service lang sya.
Jxmn: binibigyan sya ng napakataas na posisyon dati pero mas pinili nya yung trabaho nya ngayon. Mabait na bata yan! Katunayan lahat ng damit ko dito e sa kanya nanggaling.
Xilvie: baket mo sinasabi sa akin yan ngayon!? Anong guston mong gawin ko!?
Jxmn: wala naman. Sa katunayan, sya mismo ang nagsabi na sabihin ko sa yo kung sino sya. Baka may nakita sya sa yo na di ko nakita o nakikita. Nakatira lang sya naun sa isang paupahan pero mansion ang totoong bahay nya. Nakapila ang mga sasakyan nya pero lagi nyang ginagamit yung crv, tas favorite nya si unicorn.
Xilvie: sa fairytales lang kaya may unicorn…
Jxmn: yun yung binigay nyang pangalan sa kulay pula nyang Hyundai coupe. Mag-celebrate ako ng birthday bukas at sa mansion nila shan gaganapin. Gusto ko na sumama ka sa akin.
Xilvie: gate crasher lang!? hahha
Jxmn: inde, inde! Tiyak din na gugustuhin nya na andun ka.
Xilvie: sige! Sayang naman ang free foods na hinanda kung d ako pupunta hahah!

Dumating ang aking kaarawan at nakilala ni xilvie ang totoong shan – kaibang kaiba sa kung sino na nakakasalamuha naming. Dito nakita ni xilvie ang pagyosi at pag-inom ni shan. Dito nya nakita kung papano magtago at maglabas ng hinanakit si shan. Dito nya nakita na kahit pala si batman ay napapaluha din.

Dala marahil ng amats, d naiwasang mabanggit ni shan ang mga bagay na para lamang sana sa piling mga tenga.

Shan: happy birthday bro!! pero sana sinama mo ang langit. Alam mo ba kung ano ang nakikita ko sa yo!? Nakikita ko ang isang masayang bata pero mas nakikita ko ang pagiging kulang ng pagkatao mo. Mas nakikita ko na inde ka kumpleto kesa sa kasiyahan na pinapakita mo.
Jxmn: dude yan ang ayoko sa yo pag nalalasing ka e.
Shan: asa ka na lasing ako… basta sabihin mo lang sa akin na mali ako at pramis titigil na ko.
Jxmn: ……
Shan: kita mo! Among any other things, ikaw mismo alam mo kung ano sya sa buhay mo. Ayokong tingnan mo lang ang langit, gusto ko na lumipad ka para magpang-abot kayo.
Jxmn: di yun ganun kasimple dude. Masyadong mataas ang langit at tanging anghel lang ang makakaabot dito. Kung ikaw asa posisyon ko, anong gagawin mo!? Tas alam mo din na sa bawat kampay ng pakpak mo, lumalayo ang langit dahil mas gusto nya yun – dahil mas pinili nyang pumalaot at magpakataas ng d ka kasama sa paglalakbay nya, dahil d ka na nya kelangan.
Shan: isa lang ang sasabihin ko sa yo at gusto kong pakatandaan mo ito…
Jxmn: anu yun!?
Shan: GABRIEL
Jxmn: *stunned*

Matapos ang makabagbag-damdaming pag-uusap, nagpasya kami na umuwi na ng kanya-kanya naming mga bahay. Natulog si shan sa mansion habang sabay kaming naglakad ni xilvie pauwi. Parehas kaming tahimik – wari nagpapakiramdaman hanggang sa…

Xilvie: alam mo ba na walang langit!? Alam mo ba na kahit lumabas ka sa planeta natin, tanging malawak pa din na kalawakan ang makikita mo!? Ilusyon lang ng tao ang langit kaya mas maganda pa na tingnan yan kesa subukang abutin o hawakan… kase d mo naman talaga maabot yan e, lalo na kung yung langit mismo ang ayaw magpahawak.
Jxmn: alam mo ba ang sinasabi mo!? Naiintindihan mo ba yan?!
Xilvie: oo! Alam ko ang sinasabi ko… napakataas ng langit, d ka ba nangangawit sa kakatingala dyan!? D mo ba alam na sa kakatingala mo dyan, magkaka stiff neck ka at d mo na mababalik ang atensyon mo dito sa lupa!? Sa pagtunganga mo sa langit, masyadong napakaraming pangyayari at tao ang d mo namamalayang dumadaan sa harap mo.
Jxmn: *nakatingala pa din sa himpapawid*
Xilvie: hayaan mo, ihahanap kita ng violin.
Jxmn: sa oras na maibigay o maipakita mo sa akin ang isang violin, maipapangako ko sa yo na d ko na titingnan ang langit at d ko na itataas ang kamay ko para abutin ito.
Xilvie: napakadaling maghanap ng violin, alam mo yan sa sarili mo. Pero d kita bibigyan ng basta-basta lang na violin. Gusto ko yung violin na ibibigay ko sa yo e pwede mo makasama at pwede kang kalmahin. Gusto ko ang violin mo ay top of the line na tipong pag gumawa kayo ng musika, kayong dalawa lang ang nasa mundo. Gusto ko na kahit natapos na ang tugtugan nyo, yung himig na nilikha nya ay manatili sa yo.
Jxmn: hihintayin ko yan ha!?
Xilvie: gaya ng sabi ko, walang langit kaya d mo ito kelangan habulin o hawakan. Itigil mo na yang pagtunganga mo sa langit!! Sige mauna na ko. Happy birthday ulet…

Sa pag-alis ni xilvie, napaupo na lamang ako sa isang tabi at nagsindi ng yosi. Isa-isang inisip at hinimay ang mga salitang binitiwan nya. Hanggang sa tuluyan na akong inantok at nagpasya na umuwi na lang sa bahay.

Mabilis na lumipas ang panahon at d namin namalayan na 8 buwan na din pala naming nakakasama si xilvie. Walang nagbago sa pakikitungo nya sa akin at higit lalo kay shan. biyernes ng gabi, nagulat ako ng sunduin ako ni shan sa bahay dala ang maangas na crv. Wala akong natatandaan na lakad namin hanggang sa sinabi na lang nya na sumakay ako.

Shan: arte mo! Sakay na!
Jxmn: san ba lakad natin?
Shan: dyan lang, kelangan kita makausap
Jxmn: sus! Pwede naman sa loob na lang. magsasayang ka pa ng gas.
Shan: basta may pupuntahan tayo na mas maangas!

D pa man kami nakakalayo e nakatulog na ako, dala marahil ng sobrang pagod. Pagdilat na mata ko, nakahinto na ang sasakyan, asa labas si shan malapit sa dalampasigan.

Jxmn: men patay na ba ko!? Asan na ba tayo!?
Shan: capones, zambales
Jxmn: hhhhhuuuuuuuwwwaaaaaaattttttt!!!!!! Baket tayo andito!?
Shan: kelangan nga kita makausap!
Jxmn: anu ba yun!?
Shan: ganito kase yun… dati laging bisi si batman d ba!? Madalas nyang hinahanap si joker kase naghahasik na naman ng lagim. Natural hinahabol ni batman para ikulong kase superhero sya, yun ang trabaho nya. Pero sa nakalipas na 8 buwan, nabaling ang atensyon ni batman kay Alfred…
Jxmn: sinu naman si Alfred?
Shan: tange! Sya yung buttler ni bruce wayne aka batman
Jxmn: aahhhh
Shan: so yun. Nabaling ang atensyon ni batman kay Alfred. Lagi kasi sya nitong inaalala, inaalalayan at inaalagaan. Pag may sugat si batman, si Alfred ang gumagamot dito, pag nagugutom si batman pinagdadalhan sya ng pagkain nito.
Jxmn: o anu naman sa akin si Alfred!? Anung pakialam ko sa kanya!?
Shan: meron kang pakialam sa kanya kase sya ang naging dahilan ng pagtigil ng paghabol ni batman kay joker. Naisip ni batman na d lang naman sya ang superhero sa mundo… andyan si archangel, si 7th angel at si kapitan sino. Pinaubaya na ni batman ang trabaho ng paghuli kay joker sa ibang superhero… para mag-focus sya kay Alfred.
Jxmn: hhhmmm… kung ikaw si batman, si sheena si joker……………………… ako ba si Alfred!? Hehehe
Shan: phota ka! Seryoso ako! Dude I’ve fallen for xilvie.
Jxmn: *d na nagulat or nagtaka*
Jxmn: dapat sa kanya mo sabihin yan.
Shan: I will! Gusto ko lang makasigurado sa feelings ko para sa kanya.
Jxmn: dapat lang! pero anu’t ano pa man, asa likod nyo lang akong dalawa.
Shan: salamas men! Birthday ko na next week, dating gawi ha!? Sa mansion ulet tayo kasama si xilvie.
Jxmn: anung plano mo!?
Shan: ewan…. D ko pa alam e… ako si batman remember!? I’ll think of sumthin

Makalipas ang isang lingo, sa kaarawan ni shan

itutuloy...

2 comments:

Anonymous said...

sure ka ba na may langit? baka naman pantasya lang yan kaya di mo maabot? kung yang langit na sinasabi mo ay impyerno pinaparanas sayo hindi sya langit, sinabi ba nya na ituring mo syang langit? try to think of this if you cant see her in heaven, maybe she not in heaven, hindi lang naman tinitingala ang langit, why dont you try to look around you, maybe somwhere makita mo ang heaven na hinahanap mo, di mo kailangan tumingala lagi, minsan try mong lumingon,. minsan di mo kailangang lumipad para maabot ang langit, minsan kailangan mo lang mag antay,...

jexamine said...

salamat ser anonymous, pero sana nagpakilala ka kase anlalim ng binitawan mo na salita hahahah... i'll try to tell mam xilvie of what you sez at kayong 2 ang mag-usap ^_^