edits: none
photo: provided by shan
paunang salita: eto na ang episode TWOlip... sinabi ko sa episode ONE kiss... one last time na hango ito sa totoong panyayari, base sa aking panaginip ngunit nag-request si shan na baguhin ang takbo ng istorya para daw mag-swak sa panlasa nyang emo/senti.
Biglang nabaling sa akin ang atensyon ni shan. Napapailing-iling sya ng makita ang aking kalagayan na lingid sa kanyang kaalaman ay sya ang may kasalanan. Habang papalapit sya sa akin, bigla syang napatigil at namataan sa di kalayuan ang isang tao - isang tao na nilagay nya sa pedestal, isang tao na kayang patigilin ang kanyang puso, isang tao na kaya syang baliin sa simpleng pagngiti - oo sya si sheena.
Sa finance department naka-assign si sheena. Tyempong kumukuha kami noon ng used mugs ng matapat si shan sa cubicle nya. Napaka-kalat ng area ni sheena ng mga panahon na yun kaya siguro minabuti ni shan na maglinis. Tangkang aabutin ni shan ang pee-wee na chichiria nang pigilan sya ni sheena.
"ay sori po mam. Akala ko kase tapos na kayo dito." Ang tanging nasabi nya.
Nagtama ang paningin ng dalawa sabay alok ni sheena ng pee-wee kay shan...
"bro maglinis daw tayo ng restroom sa 18th floor" pasigaw na sabi ko sa kanya habang papalapit sa kanila
"ay sori po mam. Akala ko kase walang tao dito." Ang sabi ko bilang palusot.
D pa din natinag si sheena at patuloy na inalok si shan ng pee-wee. Nabasag lamang ang titig ni shan ng magpakilala si "mam"
"ako nga pala si sheena. Ayaw mo ba ng pee-wee ko!?"
Halong hiya at pag-aalangan ang nakita ko kay shan habang dumudukot ng pee-wee. Pagdaka'y pumunta na kami patungong elevator. Saktong pasakay na kami ng biglang sabihin ni adik na
"sandali lang men... may nakalimutan ako."
Naasar pa ko kay shan kase alam naman nya na napakahirap maghintay ng elevator sa kumpanya namin. Makalipas ang 8 minuto, lumabas si shan na may bungisngis sa kanyang mukha. Yun pala e nakuha na nya ang mobile number, email address, friendster, facebook, twitter at multiply accounts ni sheena. D na din naman ako nagulat o nagtaka dahil gaya nga ng sabi ko, may hitsura si shan.
Balik tayo sa reyalidad...
Nagtagpo si shan at sheena ngunit d na sila tulad ng dati - isang rason na pinili kong huwag nang itanong sa kanya. Panay ang titig ni shank ay sheena pero dinaanan lamang sya nito... hanggang sa tuluyan na syang makalagpas. Pagkatapos ng insidente, naglakad si shan ng nakayuko ang ulo patungo sa akin na wari ay nanlulumo.
"bro, kaw may kasalanan neto!! Sabihin mo nga sa kanya na di ko naman sinasadyang mahawakan ang pwet nya." Ang sabi ko kay shan
"oist... bro.. anu ba!? Kinakausap kita!"
Ni di man lang ako pinansin ni shan at patuloy na naglakad palayo ng bilihan ng pagkain. Nilapitan ako nung "talent agent" at tinulungan na mag-explain dun sa nahawakan ko ang puwet. Nang maayos na ang lahat, nakausap ko yung talent agent...
Ako: salamat po mam.
Agent: wala yun.
Ako: pasensya na po kayo, sinabi ko kase dun sa kaibigan ko na talent agent kayo.
Agent: ahhh... kaya pala. Pero anung nanyari sa kanya?
Ako: d ko po alam. Baka po may nasabi po kayo kaya sumama ang loob nya kaya sya nagkaganun.
Agent: wala nga akong nasabi kase nagulat ako. Pero ng papunta sya sa yo, meron syang tinititigan na babae.
Ako: aahhh... ganun po ba!?
Agent: oo! Tas nung lumagpas ung babae, umalis na din yung friend mo na parang pasan nya ang mundo.
Ako: aahh... si sheena po yun panigurado mam.
Agent: wag ka ngang mam ng mam dyan!
Ako: ay sori po mam... SOP lang po kase.
Agent: kulet mo ha!? May pangalan kaya ako.
Ako: ako din po. Ako po si jexamine.
Agent: weird naman ng pangalan mo. San mo naman nakuha yan? Teka ako nga pala si xilvie (shil-vi).
Ako: hi xilvie.
Xilvie: sino ba si sheena? Bakit nagkaganun friend mo?
Ako: ganito lang yan xilvie... kumbaga sa comics, si shan si batman at si sheena si joker.
Xilvie: anu!? Bakit naman!? Dahil ba clown si sheena at paniki naman yung friend mo?
Ako: inde... kasi d ba si joker madalas nya paglaruan at utu-utuin si batman!? Tas pag nahuli ni batman si joker, wala naman sya gagawin. Ikukulong lang nya si joker tas makakawala na naman ito tas paglalaruan lang ulet nya si batman.
Xilvie: magulo ka! D kita maintindihan.
Ako: ayos lang yun. Nung una kase d ko din maintindihan. Teka, bibili ka ban g pagkain?
Xilvie: ay oo nga pala.
Ako: tara sabay na tayo..
At pumasok na ako na ngayon ay kasama na si xilvie sa "foodcourt" ng kumpanya na madalas naming tawagin na tiangge. Bumili ako ng tinolang manok dahil naaalala ko dito si heaven at isa pang set ng pagkain. Si xilvie - kare-kare at empanada.
Xilvie: anu yan!?
Ako: tinolang manok tas yung isa amapalaya.
Xilvie: waw! Anlakas mo naman kumain!
Ako: inde! Inde! Para kay shan yung ampalaya.
Xilvie: aahhh ganun ba!?
Ako: opo mam!
Xilvie: ayan ka na naman ha!?
Ako: ay sori... xilvie pala
Xilvie: at dahil dyan, ang parusa mo ay sabayan ako sa pagkain. Sabay tayong mag-lunch
Ako: aus lang sa kin pero aus lang ba sa yo na isang hamak na city service ang kasabay mong kumain?
Xilvie: oo naman no!? tao din naman kayo e hahaha...
Ako: hahahah... onaman! Kaya lang dun lang kame sa area namin pwede kumain. Labag kasi na kumain kames a pantry ng empleyado na kagaya nyo.
Xilvie: ayos!! At least maiba yung environment ko today.
At tumulak na kami papuntang pantry habang inuugoy ang mga pinamili naming mga pagkain.
"oist shan! Asan ka!? Meron tayong bagong makakasabay sa pagkain para sa araw na ito." Sa aking pagtawag sa kanya pero d ko sya Makita. Wala sa restroom, janitor's closet, locker room at maging sa shower area.
Ako: xilvie pasensya ka na ha!? Wala pala dito si shan pero kung trip mo talaga na sumabay sa pagkain naming, halika sumama ka kase alam ko kung asan sya
Xilvie: sige... pero saan tayo pupunta?
Ako: tara!
Lumabas kami ng building at ilang metro mula dito ay isang napakalaking lote na sagana sa napakadaming mga uri ng puno. Sa may harapan nito, sa pintuan, ay may isang nakasulat na ubod ng laki na "DO NOT ENTER". Alam ng lahat na pag-aari ito ng kumpanya. Apakataas ng konkretong bakod nito na napapaligiran ng tesla coil at electric fences at may mangilan-ngilan na barbed-wire.
"dito!?" sa pagtataka ni xilvie.
"nahihibang ka na ba!?" dugtong nya
Di naman ako sumagot at tinahak ang isang lagusan papasok na tanging ako at iisang tao lamang ang nakakaalam. Kitang-kita ko ang pagkamangha sa mukha ni xilvie hanggang sa makarating kami sa rurok nito. Isang lugar kung saan napakaganda ng tanawin, lalo na pagsapit ng gabi. Isang lugar na kung saan tanaw mo ang malawak na lupain na natatamnan ng mga building.
"oist! Eto na pagkain mo" sabi ko kay shan.
Nakaupo sya sa usual spot nya - sa isang puno na animo'y idinisenyo ang mga sanga nito para maging upuan. Eto ang tinuturing nya na sanctuary nya.
"salamat br..." bigla syang natigilan nang makita na may kasama ako.
"hi! Ako nga pala yung talent agent kanina..."
-itutuloy-
"At ihiling sa mga bituin
Na minsan pa sana ako'y iyong mahalin
Ihiling kahit dumilim
Ang aking daan na tatahakin
Patungo sa iyo, patungo sa iyo"
No comments:
Post a Comment