Monday, December 15, 2008

sa wakas! kami na.... ulet!!!

edits: none

model: sister and jex's hand

Wwoohhhooo!! Napakasaya kong bata! Matagal din syang nawala sa akin at akala ko ay hindi na sya babalik pang muli. Mabuti na lang at mali ako! Siguro hindi ako mabubuhay kung wala sya. Hindi ako makatulog sa gabi ng hindi sya sinasambit. Ok, ok iku-kwento ko na…

Gaya ng sabi ko, matagal na nga syang nawala at ni hindi ko na nga nararamdaman ang kanyang aura. Sa isang pambihirang pagkakataon, bigla syang nagparamdam sa akin kahapon. Syempre sa una dedma lang ako kase sa loob-loob ko lang e baka naman nang-scam lang ito. Pero naging makulit at mapusok sya. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Andaming tumatakbo sa isip ko kagaya na lang ng “anu na lang ang mangyayari sa akin pag pumasok na naman sya sa buhay ko!?” at “dapat pa ba kitang tanggapin? Masaya na ako sa buhay ko”. Nung una kaming nagsama, ito ay tumagal lamang ng halos isang buwan – isang buwan na puno ng pighati at paghihirap. At ngayon nga ay muli syang kumakatok sa aking pintuan upang sya’y akuin muli. Wala sya kahit anu mang pinapangako na kagaya lang din naman nung una nyang pagdating sa buhay ko. Sadyang naging matigas ang aking puso. Sawa na akong masaktan, mahirapan at mag-invest sa isang bagay na walang kasiguraduhan. Marahil ay napagod na din ako. Sa buong maghapon ay patuloy ang kanyang pagpaparamdam at pangungulit. Magsisinungaling ako pag sinabi ko na d ako humanga sa kanyang determinasyon. Syempre napaisip din naman ako na “siguro seryoso na sya ngayon” pero talagang nagpigil ako na muling mahulog sa kanyang bitag – if bitag nga ba nya talaga or seryoso na sya. Sumapit ang gabi at oras na para umalis ako sa opis, tumigil na din sya sa kanyang pang-aasar pero sa d maipaliwanag na dahilan, muli kong hinanap-hanap ang kanyang pangungulit. Sa may terminal ng FX – wala pa din kahit na ano. Naghintay ako ng naghintay hanggang sa makarating ako sa bahay ngunit wala pa din akong napala. Pagkatapos kumain ay ibinalot ko na ang regalo ko para kay jennylicious at ako ay nahiga na para makapagpahinga dahil may pasok pa kinabukasan. Nang ako ay medyo naidlip na, muli syang nagparamdam. D maipaliwanag na pinaghalong saya at inis ang aking naramadaman. Masaya dahil nagparamdam na ulet sya, naalala nya ko bago matulog. Naiinis dahil kung kelan ako matutulog, dun pa sya nagparamdam pppfffttt!! Natural, d ko pa din sya kinikibo. Nagpapakipot mode ako syet! Dalagang.pilipina mode: ON wahahahahaha. Ganun nga ang nangyari, buong magdamag sya nanligaw (amf!) sa akin at d ako nakatulog sa dahil sa kakaisip. Dumating ang umaga at napagdesisyunan ko na bigyan sya muli ng pagkakataon. Long story short, pagkatapos nya manligaw ng isang buong araw e naging kami the next day. Uu kami na.. ulet!! Ssssaaarrrrraaapppp juice kkkkkoooo!!!!

At ngayon nga, eto kasama ko pa sya sa opis. Oo, sumabit pa sya sa opis. Nagmatigas talaga sya. Sana pala uminom na ako ng gamot at vitamins para d ka na lang ulet dumating. Pakyu kang ubo ka! At nararamdaman ko pa na dadalawin ako ng kapatid mong sipon mamaya-maya lang at ang tiyahin mong trangkaso mamayang gabi. Baka naman d ka pa masiyahan dyan!? Isama mo na ang buong angkan! Si daddy migraine at si mommy LBM isama mo na din! Pakyu ka! Pakyu kayong lahat!

1 comment:

Anonymous said...

Adek kaba?