edits: shadow and highlights
model: oxygen tank (ddduuuhhh)
location: hospital (ddduuuhhhh)
Alas-sais na ng umaga. Buhat nang dumating ako dito sa bahay, wala na akong inatupag kundi maglaro ng dragonica. Nung mga panahon na yun, nakita ako ni rixa (ri-sha) na online sa YM at nag-PM
Rixa: kuya!!! Teka, hulaan ko, d ka pa din natutulog no!?
Jxmn: wwweeeehhh…. Panu mo nalaman!? Atsaka por yor impormasyon, natulog ako sa fx waheheh
Rixa: aahh… hulaan ko, naglalaro ka pa din hanggang naun no!?
Jxmn: wwwwwaaaiiiii!! Isa kang espiya! Hehehe
Rixa: susumbong kita kay ate (magkapatid si rixa at relix)
Jxmn: ok
Jxmn: *smile*
Jxmn: punta na kayo ni relix dito. Dala kayo ng breakfast para sabay-sabay na tayo kumain. As usual, ako na sagot sa kape.
Rixa: yuki! Lagot ka! Isusumbong kita kay ate!
Rixa: *devil*
Jxmn: bilis no! gutom na kaya ako!
Jxmn: harhar
Ganito na ang nakasanayan namin sa tuwing inuumaga ako ng paglalaro – inaaya ko silang magbreakfast lagi dito sa bahay at minsan ay sawsaw din ang nakababata kong utol pag nakagising na din sya. Pero parang kaiba ang araw na yun, d ko actually maipaliwanag pero kaiba talaga. Nalaman ko na lang ng nanyari na… ulet…
Rixa: kuya pasok na ko ha!?
Jxmn: sure, sure! Asan na breakfast natin?
Rixa: d ko alam e, pinauna na ko dito ni ate. Nagpapatuyo pa kase ng buhok nya, sya na daw bibili ng kakainin natin...
Jxmn: rixa, importante ba ko sa yo?
Rixa: kuya umagang-umaga ang arte mo! Kahit gumanyan ka, isusumbong pa din kita kay ate...
Jxmn: hahahha… tama, tama… ang sa akin e kung makakalusot lang naman
Rixa: sorry.. hehehe
Jxmn: rixa kelangan nyo pa ba ako?
Rixa: kuya tigilan mo nga ako… hintayin mo lang si ate...
Jxmn: kung kelangan nyo pa ako, tawagan mo na si ate relix mo...
Rixa: huh!? Baket naman!?
Jxmn: sabihin mo na bilisan nya...
Rixa: kuya baket!? Anu nanyayari sa yo? Para kasing namumutla ka... aus ka lang ba?
Jxmn: sabihin mo sa kanya, nagpa-palpitate ako… sabihin mo sa kanya na baka may rela------.......
D ko pa natatapos ang sasabihin ko ng bigla na lang dumilim ang paningin ko… wala din ako marinig na kahit ano… napakapayapa pero napakadilim. Alam ko sa sarili ko na naramdaman ko na ito dati pa. Isang pakiramdam na mahirap pero masarap, mahirap itong ipaliwanag at d na dapat ipaliwanag pa
Nang magkaroon ako ng lakas (ng loob) na idilat ang mata ko, nakatingala at nakatitig na pala ako sa kisame. Lumingon-lingon ako sa paligid ko – sa kaliwa may dextrose, nun ko lang napagtanto na may karayom na naman pala na nagpakilala sa maselan kong balat. Sa kanan, oxygen tank pero wala naman ako naramdaman na oxygen mask na suot ko. Malapit sa oxygen tank, sa tabi ng kama ko, nakita ko si rixa na nakadukdok, wari natutulog...
Jxmn: huy!
Rixa: *namamaga ang mga mata*
Rixa: uy! Kuya! Musta ka na!? Andami mo pa arte kanina! Sana sinabi mo na may nararamdaman ka na pala para nadala ka agad dito sa ospital. Wag kang mag-alala, d naman kita sinumbong kay ate sa paglalaro mo.
Jxmn: aaahhhh... asa ospital pala ako... anu nanyari? Asan breakfast naten?
Rixa: breakfast ka dyan! Hinimatay ka kaya! Buti face-forward kaya ayun hinalikan mo yung keyboard mo…
Jxmn: pangala wa na ito
Jxmn: *nag-alala at tila balisa*
Jxmn: asan si relix!? Kelangan ko si relix!
Relix: andito lang ako….
Jxmn: relix, nangako ka sa akin before d ba?! Naalala mo pa ba!? D naman sa pagiging demanding pero mabibigay mo na ba sa akin yung pangako mo sa lalong madaling panahon?
Naghari ang katahimikan… tinitigan ko sa mata si relix at ganun din naman sya sa akin. Wari nagkaintindihan kami na naging hudyat para umalis si rixa. Lumapit si relix sa akin at ako ay kanyang tinabihan.
Jxmn: sorry relix ha!? nag-relapse e...
Relix: ..................
Jxmn: pero pwede na tayo mag-breakfast now.
Relix: …………..
Jxmn: huy!
Relix: breakfast!?
Relix: *tumataas ang tono ng boses*
Relix: Breakfast!? Alas-kwatro na ng hapon! Antagal mo na nakahiga dyan! What the hell’s wrong with you!?
Sa punto na yun, d na napigilan ni relix ang pagluha.
Jxmn: sorry naman. Itigil mo na yang pagtangis mo dyan adik! Eto na o! gising na ko ulet! Ayos na.
Relix: nakakainis ka pa! Anu ba kase!?
Jxmn: asan sila erpats?
Relix: deds ka sa kanila! Pati sa akin!
Naputol ang pag-uusap namin ng dumating ang doktor para kausapin ako. Sa kagustuhan ko na di malaman ni relix ang detalye, minabuti ko na paalisin muna sya
Doctor: sabi nung kasama mo second time ka nang nag-faint…. San ka na-confine dati?
Jxmn: sa may VRP po, sa may mandaluyong. During those days po kase kanila insan ako nag-faint. Mabuti naman po at may malapit na hospital sa area nila.
Doctor: that’s good… sasabihin ko sa yo naun na importante na sabihin mo yung totoo para malaman natin kung papano treatment at rehab mo ok!?
Jxmn: sure po.
Doctor: may naramdaman ka ba bago ka nag-faint?
Jxmn: wala po
Doctor: d ka naman nahilo or sumakit ang ulo or nag-palpitate?
Jxmn: inde po
Doctor: madami ka ba iniisip?
Jxmn: wala po
Doctor: stressed ka ba lately or d ka ba nagsusuka?
Jxmn: inde po.
Andami pang tinanong ng doctor sa akin na di ko na maalala. Nung mga panahon na yun, mas pinili ko na magsinungaling sa kanila dahil ayokong magpa-confine sa hospital. Sinabihan ng doctor si relix na pwede na ako umuwi ng bahay pag naubos na yung dextrose na pinipilit kong tunggain nung mga panahon na yun...
Relix: pwede na daw tayo umuwi pag naubos mo yan kaya bilisan mo ang pag-inom.
Jxmn: see!? Sabi ko naman sa yo aus lang ako e
Relix: muka mo! Umaus ka nga! Sabihin mo nga sa kin – anu ba!? Baket nagkaganun!?
Jxmn: adik! Wala kayang pinipiling oras at panahon yun. Buti na lang andun si rixa eheheh
Relix: yun nga e! Buti na lang andun kapatid ko. Tsaka natakot ako kase antagal mong walang malay dyan .
Relix: *unti-unti na namang pumapatak ang luha*
Relix: ayoko kaya na nakikita kang ganyan
Jxmn: drama mo! Uuwi na nga ako d ba!? Aus na nga e! Dalawin mo na lang ako bukas. Importante para sa akin na asa tabi kita.
Relix: adik! Panu ko magagawa yung pangako ko sa yo kung asa tabi mo ko... ikaw nga itong nagmamadali... kelangan ko tuparin pangako ko sa yo.
Jxmn: aaaiiii!! Basta! Basta! Gusto ko bukas dumalaw ka
Relix: sige na nga. Teka, text ko muna ermats mo para alam nila na uuwi ka na
Pagtransfer na pagkatransfer ko sabahay ay sinalubong ako ng sandamakmak na sermon, pangaral at kung anu-ano pa mula sa magulang ko at kay relix. Buti na lang at pagod ako kaya nakatulog ako agad... baka dala na din siguro yun ng mga gamot na maya’t maya ay pinainom sa akin bago kami umalis ng hospital.
Alas-diyes ng umaga ng magising ako kinabukasan. Tatayo na sana ako mula sa higaan para maglaro ulet ng dragonica ng marinig ko ang tinig na nagsasabi…
Relix: hoi adik! Anu sa tingin mo gagawin mo ha!?
Jxmn: *gulat*
Jxmn: waw! Relix, andito ka na pala.... ang aga mo naman! Aminin mo sa akin, dito ka natulog kagabi no!? D mo ko matiis no!?
Relix: asa ka!
Jxmn: hahaha... teka, bubuksan ko lang pc ko. D kase nagigising ang aking ulirat pag walang sounds sa morning e.
Relix: ako na, ako na. pahinga ka muna dyan toyo!
Jxmn: opo mam! Pppppfffffttttt
Relix: may binigay nga pala meds yung doctor kagabi bago tayo umalis ng hospital. Yung isa sa kanila parang pamilyar tas sabi nya for strict compliance daw.
Jxmn: waw! So private nurse pala kita today
Relix: dude may sasabihin ako sa yo.
Jxmn: anu yun?
Relix: asa ka!
Jxmn: hahah… teka anu yung meds na for strict compliance? Para alam ko din pag wala na yung private doctor ko heheh
Relix: prozac yung name e. alam mo ba yun?
Jxmn: inde e. doctor ba ko!? I-google mo na lang kaya
Relix: talino mo talaga no!?
Jxmn: op kors!
Relix: eto na p-r-o-z-a-c
Tahimik na tinignan ni relix ang mahigit sa sampung libong search result na pinadala ng google. Tahimik sya at seryoso sa pagbabasa... sa dami ng search result na yun, iisa lang ang pinupunto nilang lahat – something’s definitely wrong...
Jxmn: o! Natahimik ka dyan
Relix: wala! Wala...
Jxmn: wushu!
Relix: *bumaling sa akin ang tingin*
Relix: anou, jex, eto seryoso lang… sigurado ka ba na aus ka lang talaga?
Jxmn: honga! Bakit ba!? Para saan ba yang prozac na yan?
Relix: wala nga… sige alis na ko…
Jxmn: wwwweeehhhh!! Anu kaya yun!? Sulitin mo na pag-absent mo today...
Relix: d pwede. Eto nga tinetext na ko ng boss ko
Jxmn: amf
Tumayo si relix mula sa kinauupuan nya, aktong patungo sa pinto para lumabas. Napatigil sya saglit, lumingon ulet sa akin, tinitigan ako sa mata...
Relix: jex, pag gusto mo na akong kausapin, pag feeling mo dapat ko na malaman ang nanyayari sa buhay mo, sabihin mo lang sa akin ha!? D ka naman superhero e. D mo naman kaya lahat ng binabato sa yo ng tao, ng paligid at ng mundo.
Jxmn: *nagulat*
Jxmn: relix...
Relix: ..........................
Jxmn: ..............................
Jxmn: d ko naman kelangan maging superhero para gawin yung mga bagay na may kapasidad akong gawin e. ginagawa ko lang ang kung anu ang kaya kong gawin. Tumutulong lang ako hangga’t kaya ko.
Relix: ………………………
Thursday, October 22, 2009
relapse
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
oi! Anu gnawa mo adik. Kailangan q p ng wingman d b?
Na sobrahan ata sa dragonica. Matulog ka kasi baka hindi na kaya ng katawam mo ang magpuyat!
Post a Comment