Edits: none
Model: a lot
Location: some wedding reception
“hi! Ako nga pala yung talent agent” bungad ni xilvie
Walang kibo si shan , marahil nahihiya na makita ng ibang tao ang namumugto nyang mga mata habang hawak sa kanang kamay ang paborito nyang yosi. Tinignan ako ni shan na wari nag-uutos na lapitan ko sya.
“sandali lang xilvie” sabi ko.
“kakausapin ko lang saglit etong tropa ko…”
Lumapit ako kay shan at mula sa kilos nya ay alam ko na ang nais nyang ipahiwatig at itanong. Naglakad kami palayo sa sanctuary nya at kay xilvie. Nagtungo kami malapit sa man-made batis.
“wala akong sinabi sa kanya. Wala akong kinuwento tungkol sa yo – kung ano at sino ka.” Biglang nasabi ko na lang kay shan.
Sa tagal naming magkakilala at magkasama, nagkaroon na ako ng ideya patungkol sa mga kilos at ugali ni shan.
Shan: e bakit mo sya sinama dito?
Ako: …..
Shan: d ba sinabi ko naman sa yo dati!?
Ako: …
Shan: pero ayus lang bro… andyan na yan e hahaha
Ako: d ko alam kung bakit ko sya sinama dito. Siguro dahil napakasimple ng request nya – ang makasabay tayo ng mag-lunch.
Shan: …
Ako: gaya ng sabi ko, wala akong sinabi sa kanya tungkol sa yo. Ikaw dapat ang magsabi nun sa kanya kagaya ng ginawa mo sa akin.
Shan: …
Ako: di mo naman kelangan i-elaborate. Basta sabihin mo lang sa kanya yung dapat mo sabihin, ako ng bahala maglagay ng palabok hehehe.
Shan: sige… mukha naman mabait at trustworthy. Pagkatapos natin kumain, tingnan ko if she can handle the truth.
Pagkatapos naming mag-usap ay binalikan na namin si xilvie at dahil na din lumalamig na ang binili kong mga pagkain. Nakita namin si xilvie na inaamoy ang tulip sa d kalayuan. Napatigil akosa paglalakad, parang bumagal ang ikot ng mundo, may kung anong bagay na kumurot sa puso ko. Nabunggo ako ni shan at may halong pagtataka kung bakit ako napahinto ng walang dahilan. Bigla nyang hinanap ang kinaroroonan ni xilvie at kung ano ang ginagawa nito.
“syet! Ang tulip!” pabulong na nasabi ni shan.
Tiningnan ako ni shan na may malungkot na ngiti at mata. Tinapik nya ako sa balikat…
“miss mo na sya no!?” sabi nya
“oo bro! sobra, sobra! Tingnan mo ulam ko tinolang manok…”
Naging tahimik ang mundo naming dalawa (wari nagkakaintindihan) at makalipas ang 18 segundo ay tinawag na kami ni xilvie dahil gutom na gutom na daw sya. Makalipas ang mahabang panahon, muli kaming sasabayang kumain ng isang tao sa isang lugar na kami-kami lang ang nakakaalam.
“san tayo kakain?” pagtatakang tanong ni xilvie.
D kami nagsalita ni shan at hinayaan na lamang namin na ang nakaturo naming mga daliri ang magsalita para sa amin. Sa di kalayuan, may isang lamesa at mga upuan ang nakahanda na tinatabingan ng anino ng isang higanteng puno ng narra. Sa tabi nito ay puno ng manga na may naka-setup na duyan.
Nakahanda na kami sa pagkain ng bigla kong maalala na di pa nga pala magkakilala ang dalawa.
Ako: ahem.. ahem.. nga pala xilvie, eto si shan tropa ko… shan si xilvie, ang talent agent hahaha.
Xilvie: hi! Alam mo parang d ka naman si batman… actually parang opposite ka nga nya e.
Shan: batman!? Ha?!
Ako: aahhhh…. Wala.. wala yun bro… tara, kain na tayo.
Habang kumakain, d maiwasang magtaka ni xilvie sa kung papano namin nalaman kung papano pumasok dito sa “forbidden garden” at kung bakit parang kabisado namin ang pasikot-sikot dito. D kami sumagot ni shan at nagkatinginan na lamang kami. Naging masaya ang lunchbreak namin dahil na din sa masarap kasama si xilvie at napaka-makwento. Napalitan na ng halakhak at mga ngiti ang kanina lamang na namumugtong mga mata ng tropa ko. D namin namalayan ang oras hanggang sa sinabi na lang ni xilvie na baka daw ma-late na sya. Iniwan namin ang “forbidden garden” ngunit dumaan kami sa pathway na iba kesa sa pinasukan namin ni xilvie kanina. Nagtaka ako sa kinilos ni shan pero may ideya na ko sa ginawa nyang move. Dumaan kami sa legal na daanan kung saan napakaganda, napakarikit at napakaluntian ng tanawin. D mo mararamdaman ang init ng araw dahil sa napakayayabong na mga puno. Gayundin ang iba’t-ibang mga uri ng halaman at bulaklak.
Gaya ng inaasahan, na-in love si xilvie sa nakita nyang tanawin sabay banat ni shan na…
“xilvie may sasabihin akong sikreto sa yo… alam mo xilvie, mayaman talaga ako sa totoong buhay…”
Biglang pumihit ang aking leeg kay shan na kasabay naman ang pagngisi ni xilvie…
“alam ko…” ansabi nya
“mayaman naman talaga si batman d ba!? Meron ka ngang sariling kumpanya tas may batcave ka pa”
“tama! Tama!” sabi ni shan at umalingawngaw na ang tawa naming tatlo. Ngunit sa likod nito, alam ko na kung ano ang nais ipahiwatig ng aking tropa.
Nang sumunod na araw, nakita ko si xilvie sa may pantry…
Ako: gumornin mam!
Xilvie: oh anu sinabi kahapon tungkol sa mam!?
Ako: ay sori xilvie.
Xilvie: sabay ulet ako mag-lunch sa inyo… puntahan ko kayo sa area nyo. Wag na kayong bibili ng pagkain ha!?
Ako: ha!? Don’t tell me pinagbaon mo kame? Anu ba yan!? In-love ka na agad sa akin hahah.
Xilvie: honga e! pasensya ha!? Basta wag na kayo bibili ng pagkain. Magkita na lang tayo sa area nyo.
Ako: yes mam! Hahaahha
Sinabi ko kay shan ang balitang sinabi sa akin ni xilvie. pagdating ng lunchbreak, para kaming naghihintay sa isang bagay na wala kaming ideya kung ano ito. Saktong 12:08 ng pumasok si xilvie sa quarters namin na may dalang malaking bulto ng pagkain.
“waw!! Andami naman neto! Anung okasyon xilvie at binigyan mo kame ng pagkain!?” tanong ko sa kanya.
“wala… naisip ko lang na dagdagan ang pagkain ko today para maibahagi sa inyo. Parang eto na din yung paraan ko ng pagpapasalamat dun sa napakagandang scenery na pinakita nyo sa akin. Tsaka para d na din makita ni batman si joker… d kase bagay sa dark knight ang malungkot” patama nyang sinabi kay shan.
Napatigil ako sa paghahalungkat ng pagkain at tinignan ko si shan. Wala syang kaimik-imik na nakatitig kay xilvie habang ngiti lamang ang tanging sagot ni xilvie kay shan. Parang may sarili silang mundo. Ewan d ko maintindihan. Ang tahi-tahimik naman, wala ni isa sa kanila ang nagsasalita pero parang may sinasabi sila sa isa’t isa sa lengguwaheng alien.
Kumain na nga kami ng pananghalian na sadyang naligayahan kaming dalawa ni shan dahil apakalaki ng tyan namin sa sobrang kabusugan. Pagkatapos ay mabilis na namang natapos ang araw. Paalis na ako sa quarters patungo sana sa bahay nang tawagin ako ni shan…
Shan: bro, sabihin mo na sa kanya yung mga palabok.
Ako: *nagulat* ha!? Seryoso ka ba!? Sasabihin ko na agad!?
Shan: oo! Pero siguraduhin mo na yung mga totoo lang sasabihin mo ha!? Mamaya palabok na nga yan tas dadagdagan mo pa ng palabok. Basta yung totoo lang kagaya ng mga nasabi ko na din sa yo dati.
Ako: nakita ko ang tingin mo sa kanya kanina habang kumakain tayo. Alam ko na alam mo na yung tinutukoy nya na batman at joker
Shan: …
Ako: sige! Ako na bahala! Sasabihin ko na ang palabok… mukhang open-minded naman
Shan: salamat men!
Balisa ako kinagabihan. D ko alam kung anu naisip nya at biglang dapat ilagay na ang palabok ng ganito kabilis. Marahil may nakita sya sa kanya na di ko napansin. Pero d bale na! ang importante, may go signal na ako.
Sumunod na araw, minabuti kong hanapin si xilvie para ibalita na di kami pwedeng sumabay sa kanya ng pananghalian.
“ganun!?” ang tanging nasabi nya.
“oo e! pero pwede ba kita kausapin mamaya after ng opis mo?” ansabi ko sa kanya na sinagot naman nya ng isang tumataginting na OO!
Lumipas ang maghapon… 5:30 na – oras na ng uwian…
-itutuloy-
Friday, September 18, 2009
episode threeumvirate
Thursday, September 17, 2009
episode twolip
edits: none
photo: provided by shan
paunang salita: eto na ang episode TWOlip... sinabi ko sa episode ONE kiss... one last time na hango ito sa totoong panyayari, base sa aking panaginip ngunit nag-request si shan na baguhin ang takbo ng istorya para daw mag-swak sa panlasa nyang emo/senti.
Biglang nabaling sa akin ang atensyon ni shan. Napapailing-iling sya ng makita ang aking kalagayan na lingid sa kanyang kaalaman ay sya ang may kasalanan. Habang papalapit sya sa akin, bigla syang napatigil at namataan sa di kalayuan ang isang tao - isang tao na nilagay nya sa pedestal, isang tao na kayang patigilin ang kanyang puso, isang tao na kaya syang baliin sa simpleng pagngiti - oo sya si sheena.
Sa finance department naka-assign si sheena. Tyempong kumukuha kami noon ng used mugs ng matapat si shan sa cubicle nya. Napaka-kalat ng area ni sheena ng mga panahon na yun kaya siguro minabuti ni shan na maglinis. Tangkang aabutin ni shan ang pee-wee na chichiria nang pigilan sya ni sheena.
"ay sori po mam. Akala ko kase tapos na kayo dito." Ang tanging nasabi nya.
Nagtama ang paningin ng dalawa sabay alok ni sheena ng pee-wee kay shan...
"bro maglinis daw tayo ng restroom sa 18th floor" pasigaw na sabi ko sa kanya habang papalapit sa kanila
"ay sori po mam. Akala ko kase walang tao dito." Ang sabi ko bilang palusot.
D pa din natinag si sheena at patuloy na inalok si shan ng pee-wee. Nabasag lamang ang titig ni shan ng magpakilala si "mam"
"ako nga pala si sheena. Ayaw mo ba ng pee-wee ko!?"
Halong hiya at pag-aalangan ang nakita ko kay shan habang dumudukot ng pee-wee. Pagdaka'y pumunta na kami patungong elevator. Saktong pasakay na kami ng biglang sabihin ni adik na
"sandali lang men... may nakalimutan ako."
Naasar pa ko kay shan kase alam naman nya na napakahirap maghintay ng elevator sa kumpanya namin. Makalipas ang 8 minuto, lumabas si shan na may bungisngis sa kanyang mukha. Yun pala e nakuha na nya ang mobile number, email address, friendster, facebook, twitter at multiply accounts ni sheena. D na din naman ako nagulat o nagtaka dahil gaya nga ng sabi ko, may hitsura si shan.
Balik tayo sa reyalidad...
Nagtagpo si shan at sheena ngunit d na sila tulad ng dati - isang rason na pinili kong huwag nang itanong sa kanya. Panay ang titig ni shank ay sheena pero dinaanan lamang sya nito... hanggang sa tuluyan na syang makalagpas. Pagkatapos ng insidente, naglakad si shan ng nakayuko ang ulo patungo sa akin na wari ay nanlulumo.
"bro, kaw may kasalanan neto!! Sabihin mo nga sa kanya na di ko naman sinasadyang mahawakan ang pwet nya." Ang sabi ko kay shan
"oist... bro.. anu ba!? Kinakausap kita!"
Ni di man lang ako pinansin ni shan at patuloy na naglakad palayo ng bilihan ng pagkain. Nilapitan ako nung "talent agent" at tinulungan na mag-explain dun sa nahawakan ko ang puwet. Nang maayos na ang lahat, nakausap ko yung talent agent...
Ako: salamat po mam.
Agent: wala yun.
Ako: pasensya na po kayo, sinabi ko kase dun sa kaibigan ko na talent agent kayo.
Agent: ahhh... kaya pala. Pero anung nanyari sa kanya?
Ako: d ko po alam. Baka po may nasabi po kayo kaya sumama ang loob nya kaya sya nagkaganun.
Agent: wala nga akong nasabi kase nagulat ako. Pero ng papunta sya sa yo, meron syang tinititigan na babae.
Ako: aahhh... ganun po ba!?
Agent: oo! Tas nung lumagpas ung babae, umalis na din yung friend mo na parang pasan nya ang mundo.
Ako: aahh... si sheena po yun panigurado mam.
Agent: wag ka ngang mam ng mam dyan!
Ako: ay sori po mam... SOP lang po kase.
Agent: kulet mo ha!? May pangalan kaya ako.
Ako: ako din po. Ako po si jexamine.
Agent: weird naman ng pangalan mo. San mo naman nakuha yan? Teka ako nga pala si xilvie (shil-vi).
Ako: hi xilvie.
Xilvie: sino ba si sheena? Bakit nagkaganun friend mo?
Ako: ganito lang yan xilvie... kumbaga sa comics, si shan si batman at si sheena si joker.
Xilvie: anu!? Bakit naman!? Dahil ba clown si sheena at paniki naman yung friend mo?
Ako: inde... kasi d ba si joker madalas nya paglaruan at utu-utuin si batman!? Tas pag nahuli ni batman si joker, wala naman sya gagawin. Ikukulong lang nya si joker tas makakawala na naman ito tas paglalaruan lang ulet nya si batman.
Xilvie: magulo ka! D kita maintindihan.
Ako: ayos lang yun. Nung una kase d ko din maintindihan. Teka, bibili ka ban g pagkain?
Xilvie: ay oo nga pala.
Ako: tara sabay na tayo..
At pumasok na ako na ngayon ay kasama na si xilvie sa "foodcourt" ng kumpanya na madalas naming tawagin na tiangge. Bumili ako ng tinolang manok dahil naaalala ko dito si heaven at isa pang set ng pagkain. Si xilvie - kare-kare at empanada.
Xilvie: anu yan!?
Ako: tinolang manok tas yung isa amapalaya.
Xilvie: waw! Anlakas mo naman kumain!
Ako: inde! Inde! Para kay shan yung ampalaya.
Xilvie: aahhh ganun ba!?
Ako: opo mam!
Xilvie: ayan ka na naman ha!?
Ako: ay sori... xilvie pala
Xilvie: at dahil dyan, ang parusa mo ay sabayan ako sa pagkain. Sabay tayong mag-lunch
Ako: aus lang sa kin pero aus lang ba sa yo na isang hamak na city service ang kasabay mong kumain?
Xilvie: oo naman no!? tao din naman kayo e hahaha...
Ako: hahahah... onaman! Kaya lang dun lang kame sa area namin pwede kumain. Labag kasi na kumain kames a pantry ng empleyado na kagaya nyo.
Xilvie: ayos!! At least maiba yung environment ko today.
At tumulak na kami papuntang pantry habang inuugoy ang mga pinamili naming mga pagkain.
"oist shan! Asan ka!? Meron tayong bagong makakasabay sa pagkain para sa araw na ito." Sa aking pagtawag sa kanya pero d ko sya Makita. Wala sa restroom, janitor's closet, locker room at maging sa shower area.
Ako: xilvie pasensya ka na ha!? Wala pala dito si shan pero kung trip mo talaga na sumabay sa pagkain naming, halika sumama ka kase alam ko kung asan sya
Xilvie: sige... pero saan tayo pupunta?
Ako: tara!
Lumabas kami ng building at ilang metro mula dito ay isang napakalaking lote na sagana sa napakadaming mga uri ng puno. Sa may harapan nito, sa pintuan, ay may isang nakasulat na ubod ng laki na "DO NOT ENTER". Alam ng lahat na pag-aari ito ng kumpanya. Apakataas ng konkretong bakod nito na napapaligiran ng tesla coil at electric fences at may mangilan-ngilan na barbed-wire.
"dito!?" sa pagtataka ni xilvie.
"nahihibang ka na ba!?" dugtong nya
Di naman ako sumagot at tinahak ang isang lagusan papasok na tanging ako at iisang tao lamang ang nakakaalam. Kitang-kita ko ang pagkamangha sa mukha ni xilvie hanggang sa makarating kami sa rurok nito. Isang lugar kung saan napakaganda ng tanawin, lalo na pagsapit ng gabi. Isang lugar na kung saan tanaw mo ang malawak na lupain na natatamnan ng mga building.
"oist! Eto na pagkain mo" sabi ko kay shan.
Nakaupo sya sa usual spot nya - sa isang puno na animo'y idinisenyo ang mga sanga nito para maging upuan. Eto ang tinuturing nya na sanctuary nya.
"salamat br..." bigla syang natigilan nang makita na may kasama ako.
"hi! Ako nga pala yung talent agent kanina..."
-itutuloy-
"At ihiling sa mga bituin
Na minsan pa sana ako'y iyong mahalin
Ihiling kahit dumilim
Ang aking daan na tatahakin
Patungo sa iyo, patungo sa iyo"
Friday, September 4, 2009
episode one kiss…. One last time
Edits: a lot
Model: shan and sheena
Photographer: no idea (photo provided by shan)
ang sumusunod na paglalathala ay hango sa totoong buhay................. na base sa aking napanaginipan kahapon
Isang napaka-alinsangan na tanghali ang sa amin ay bumulaga. Hindin na kinakaya ng AC ang sadyang dami ng bilang ng tao at sumabay pa dito ang cost-cutting ng kumpanya. Alas dose na ng tanghali – hudyat para makipagpatayan ang mga tao sa pagpila sa iilang elevator ng kumpanya. Binubuo ng 48 na palapag ang gusali na aming pinagtatrabahuhan at sa pagbibiro ng tadhana ay nasa 8th floor kami. O anu naman naun!? Hhmmm…. Wala naman… ibig sabihin lang naman nito ay box-office na ang elevator pagdating sa aming floor na maihahambing sa MRT pag rush hour. Mauubos ang lunchbreak mo sa paghihintay lang ng karo este elevator pala. [ding] ang tunog ng elevator at gaya ng inaasahan, literal na naghahalikan ang mga tao – lalake sa lalake, babae sa babae, bakla sa manager, manager sa secretary at kung anu-ano pa. Gutom na gutom na kami ni shan at nagmamakaawa na ang bulate sa aking tiyan na sikillin na ang kanyang paghihintay. [ding] ansabi ulet ng elevator, nagkatinginan kami ni shan at wari nagkasundo na anu’t anu man ang manyari ay sasakay na kami. Tyempo naman na maluwag ang elevator dahil mga kapatid naming tagalinis ang sakay nito. Sa wakas! Nasa ground floor na kami pagkatapos maghintay ng halos 18 minuto.
Tinahak naming 2 ni shan ang daan patungo sa bilihan ng kakarampot na pagkain na nagkakahalaga ng 60 pesos. Habang naglalakad, d naiwasan ng aking kasama na magsalita ng mga kabulastugang bagay. Tinanong nya kung baket kelangang maghalikan ng mga tao sa elevator tuwing lunchbreak, kung bakit madami sa aming mga kasama ang pawisin ang kili-kili, kung bakit kelangan naka-coat at tie pa ang tagalinis ng restroom, kung baket mas malaki ang sweldo ko sa kanya gayong parehas lang kaming nagtutulak ng droga… este ng kariton pala na puno ng paper towels at tissue paper. Sa loob-loob ko lang, may sayad na talaga ito pero naisip ko na may punto nga sya kahit papano. Wala naman sa akin kung maghalikan ang mga tao sa elevator pero pag nakakita ka ng dude-to-dude-lip-lock-action, hindi ba nakakasuka!? Parang gugustuhin mo ng mabulag sa mga sandaling yun. Tas mag-moan pa at papangalandakan ang 28 minuto nilang French kiss… pwe! Get a room! Nasuka ako sa loob ng bibig ko syet!
Habang patuloy ang pagsasalita ni shan, napansin ko na may isang babae na sa kanya ay nakatingin na parang nandidiri at/o nag-aamok ng away. Di ito alintana ni shan dahil sya ay bisi sa kanyang expose ng aming kumpanya. Hanggang sa nakasabay na namin sa paglalakad yung babae – sya sa kaliwa, ako sa sa gitna at ang pakawalang si shan sa kanan. Tinignan ako ng babae pagdaka’y tinitigan nya si shan na waring nagsasabi na “shaddap!”. Sa tagal naming nagtatrabaho dito, bakit parang d pamilyar ang babae na ito!? Gamit ang mapanuri kong mga mata, tinitigan kong mabuti ang kanyang mukha, leeg, kasuotan, dibdib, pusod ngunit d ko na nagawang suriin pa ang parteng mas mababa pa dun. Sandali lang, kelangan pala ng pagsasalarawan ng aking kasama/bida para malaman nyo naman ang kanyang hitsura.
Sa kanyang taas na 5’3 at mala gatas ng kalabaw na kutis, di mo iisipin na kabilang si shan sa mga tagalinis ng opisina. Maraming mga lalaki ang nagsasabi na kabilang daw sya sa pederasyon ng mga badaff. Akin din namang napansin na may pilantik sya sa kanyang mga daliri. Tinanong ki na din ito sa kanya dahil mismo ay nababagabag at ilang beses na din nyang pinabulaanan ang mga haka-haka ng mga tao. Naisip ko na baka naman inggit lang ang mga nagsasabi nun dahil sadyang maraming tao, mapa-babae man o bakla, ang naghahabol sa kanya. Ewan ko ba kung bakit di nya ini-entertain. Hilig din nyang magsuot ng hapit na damit upang ipakita ang hubog ng kanyang katawan. Iyon marahil ang punut-dulo ng pagrereklamo nya ng pagsusuot namin ng coat at tie. Simula pa lang ng magkasama kami, d na sya nagbago ng hairstyle – ang always popular at trendy na semikal. Mabait, palautos, buraot at pangahas – yan si shan.
Napatigil kami sandali sa aming paglalakad at napansin nya ang babae sa aming tagiliran. Dedma lang sya at patuloy pa din sa pagsasalita habang kami ay muling umusad.
“ang ingay naman neto.” Pabulong na sinabi ng babae.
Bahagyang hinila ng babae ang sleeve ng aking coat atsaka nagtanong ng pabulong
“sinu ba yan!? Bakit ang ingay nya!? Sinu ba kausap nyan?”
sa unang pagkakataon ay naamoy ko ang halimuyak ng babae – gumagamit sya ng kulay pink na sunsilk shampoo, d pa din sya kumakain dahil amoy colgate plax pa ang kanyang hininga (syet! Ang class neto!). ang damit nya ay sponsored ni aling bebang at ang mahaba at unat nyang buhok ay no-rebond ni pareng bogard na kapatid ng suki naming magtataho sa ilalim ng tulay sa batanes street. Sadyang magaling magdala ng sarili at ng damit ang babae kung kaya’t napaka-elegante nyang tingnan kahit pa di kaputian ang kanyang kutis. Ang kanyang dibdib, malambot pero d kalakihan… sapat lang para mapunan ng palad.
Binulungan ko si shan at sinabi ko na talent scout ang katabi ko at interesado sya sa kanya. Tinabig ako ni shan ng sobrang OA na naging dahilan para matalisod ako at d sinasadyang mahawakan ang maselang parte ng katawan ng isang dilag na naka-tambay… ang kanyang puwet.
“hi ako si shan. Wala pa ko experience sa pagmo-model pero handa akong matuto” buong pagmamalaki nyang sinabi.
Halong pagtataka, pagkamangha at pandidiri ang mababasa mo sa mukha ng babae… lalong naging singkit ang tsinita na nyang mga mata na natatakpan ng maangas na reading glasses. Nang d sya kinibo ng babae, dali-daling bumaling ang atensyon sa akin ni shan..
itutuloy....
marahil nagtataka kayo, anu ang kinalaman ng pic at ng title sa kwento ko.... d ko din lubos na maisip e. basta maganda lang yung pic at pine-pressure ako ni shan (oo! totoong tao sya sa totoong buhay) na i-post yung ma-angas na pic nila ni sheena (na totoong tao din)