Thursday, February 26, 2009

why did my jenny cried?


edits: none
model: jenny

remember jenny!? op kors you remember her!!

ngayong isa na nga akong certified bum, nakagawian ko na na tumambay sa bukid malapit sa subdivision namin every5 or 5:30 ng hapon. pag nandito ako, napaka-relaxing ng scenery! puro luntiang damo at palay ang aking nakikita. gustuhin ko man na kuhanan ng picture pero hindi kakayanin ng powers ng aking digital camera ang vast grandeur ng aking nakikita.

nang minsang sinama ko si toyo dito, nabanggit ko sa kanya na trip kong puntahan yung isang mistulang "pulo" sa may d kalayuan. bale parang lupa lang sya na napapaligiran ng puno sa gitna ng bukid. at dahil nga isang pangahas si toyo, sinabi nya na puntahan namin iyon. i was hesitant at first but i gave in in the end. wala lang, nagpunta lang kami dun para tumambay (as usual) at maglaro ng langit at lupa... oo! naglaro kami ng langit at lupa! yung game na nilalaro natin nung bata pa tayo!? naalala mo na!? yun nga yun wag kang mag-alala! dahil nga puno na ng polusyon and kanyang katawan (dahil sa yosi at nomo), madali syang napagod at kinailangan na naming magpahinga. out of nowhere, bigla syang bumanat:

toyo: dude kung papangalanan mo itong place na ito, anu yung itatawag mo sa kanya?
ako: *nag-isip ng malalim*
ako: eden.
toyo: sige! mula ngayon eden na ang itatawag natin dito.
ako: -_-;
toyo: next time magdala ka ng lanseta para mai-ukit natin yung pangalan natin sa puno
ako: -_-;
ako: sige... sige...
toyo: pero gusto ko pag inukit mo yung pangalan natin dapat kasama ako dude ha!?
ako: sige... next time... if ever na pupunta ka pa dito.

lagi naming kasama si jenny everytime na pupunta kami dun and yesterday wasn't an exception, the only difference is that i've been going back to eden alone for the last week or so. si jenny ang naging sandigan ko nung mga oras na yun. kahit d sya makaakyat sa puno, i always have my eyes on her. just by looking at her, i feel strong. sya lang ang naging kasama at kaibigan ko sa mga nakalipas na araw. pasado 6:30 sa aking relo ng mapagdesisyunan ko na bumalik na sa aming bahay. habang magkasama kaming naglalakad pauwi ay napansin ko na lamang na umiiyak sya. hindi ko alam pero parang natunaw ang buong mundo ko. si jenny ang kinakapitan ko at pinaghuhugutan ko ng lakas these past few days and yet ngayon nakikita ko sya na mahina.

ako: wag kang umiyak please. kailangan kita naun.
jenny: ...........
ako: kaya kong umiyak para sa sarili ko so please be strong for me. alam ko naman na nasasaktan ka lang dahil sa nasasaktan din ako. ayokong maapektuhan ka ng mga shits ko.
jenny: nakita na kitang umiyak sa may eden. nakita na kitang nasaktan habang tayo'y nag-uusap. alam ko kung kelan mo suot ang poker face mo. bakit ba kase kelangan mo pang isuot yan tuwing sya ang kasama mo?
ako: ........
jenny: nakikita kitang laging nakangiti pero pag tayong dalawa lang, pag malapit ako sa puso mo, parang hallow sya, napakahina at halos mamatay na ang pintig ng puso mo. minsan iniisip ko tuloy na wala na ngang saysay ang lahat.
ako: jenny... buti ka pa nakikita mo yun. buti ka pa alam mo lahat yun. buti ka pa napapansin mo yun.
jenny: sasamahan kita kahit saan mo ko yayain. sasamahan kita kahit saan mo ko dalhin. kahit na sya yung naging reason mo ng extension feeling ko sya din naman ang pumapatay sa yo! kung d ka binigyan ng extension e di sana nahimlay ka na lang ng maluwalhati
ako: kaya kong umiyak para sa sarili ko. kaya kong masaktan para sa sarili ko at napapansin ko na nagiging emosyonal ka na din dahil sa akin.
jenny: .......
ako: .......

*utter silence*

2 comments:

Roland said...

noh ba yun? ...dude pinaiyak moko dun T_T ...tagos sa puso ang batuhan ng mga salita... hmmm.

so, kayo na ni jenny?

jexamine said...

ahhhmmm inde po ser roland. si jenny po is yung bike itself. i guess may tama na ko sa utak kase kinakausap ko na mga in-animate object *sigh*