Thursday, February 19, 2009

A valentine’s day entry


edits: none
location: clarkfield pampanga
model: mine and toyo's hand

Bago pa man sumapit ang taunang araw ng mga puso ay kinukulit na ako ng isang tao na nagngangalang anshan tungkol sa aking valentine’s day entry dito sa blog ko ito na wala namang nagbabasa. Sinabi ko sa kanya na wala akong balak na gumawa ng blog entry sa araw na iyon d dahil wala akong maisulat ngunit dahil ayoko lang (isa akong selfish na bata). Pero dahil 88 years nang walang update itong blog ko, naisipan ko na ibahagi sa inyo kung anung mga kabulastugan ang aking ginawa nung mga panahon na yun.

February 12
Mag-isa lang ako sa bahay dahil nagbakasyon ang aking ermats at erpats sa paniqui, tarlac. Kagaya ng nakagisnan, kaming dalawa ni toyo ay magka-text simula pa lang ng aming paggising. Nabanggit ko sa kanya na baka tumambay ako sa kanila sa vday dahil nangako sya na ililibre nya ako ng kendi. Naisip ko na maglaba ng aking mga damit dahil kapag nandito sila erpats ay ayaw na ayaw nila akong pinaglalaba. Kinuha ko ang aking ipod at ang Logitech kong speaker (hahahaha) nang sa gayon ay malibang ako habang naglalaba. Habang nagkukusot ng mga damit, biglang sumagi sa aking isip ang tanong na “ano kaya ang ibibigay o gagawin ko para sa kanya sa vday?”. Ang obyus at gasgas na sagot dyan ay syempre ang walang kamatayang roses at chocolates. Naisip ko na din naman yan pero naalala ko na sinabi nya sa akin dati na ayaw nyang binibigyan sya ng roses (sa d maipaliwanag na dahilan). Nahirapan akong mag-isip ng ibibigay ko sa kanya at wari lahat ng nerves sa aking utak ay nagrerebolusyon at nag-iisip hanggang sa ang isa sa kanila ay nagsabi na magregalo na lang ako ng isang charcoal portrait painting. Isang napakagandang ideya nga naman ng aking naisip para sa isang natatanging tao sa buhay ko. Minabuti ko na tapusin na ang aking paglalaba at naisip ko na kinabukasan na lang magpagawa ng portrait.

February 13
Nagsimula na naman ang araw ko ng akin syang I-text. Sinabi ko sa kanya ulet na baka magpunta ako sa kanila sa vday dahil gusto ko syang makita sa oras na ako ay muling bumalik.

Toyo: saan ba ang lakad mo?
Ako: meron lang akong kakatagpuin.
Toyo: sino naman yun?
Ako: *pilit na itinatago ang totoong dahilan*
Ako: isa kang tsismosa! Hahaha.. wala naman, no one important. Meron lang akong ipapagawa sa kanya

Pagkatapos ng tanghalian ay umalis na ako ng bahay at d na din kami nag-usap. Dumating ako sa megamall at hinanap ang stall.

Ako: ate magkano itong ganitong size na painting?
Ate: *sinabi ang presyo*
Ako: ahhh.. e gaano naman katagal na gagawin yan?
Ate: tatlo hanggang limang araw
Ako: *nagulantang at hindi mapakali*
Ako: may nagsabi sa akin dati na tatlong oras lang.
*sumingit ang artist na nag-I-sketch*
artist: kelan mo ba kelangan brad?
Ako: bukas sana e. kelangan ko lang. Akala ko kase oras lang ang kelangan para matapos yan kaya ngayon lang ako nagpagawa.
Artist: o sige! Matatapos yan bukas after lunch

Nung sinabi ni artist-man yun ay lumayo muna ako at nag-isip…. At nag-isip…. At nag-isip. Pagkatapos ng 30 minutong pag-iisip ay napagdesisyunan ko na magpagawa na din. Pero sandali lang, naisip ko na kung after lunch pa sya matatapos e kakailanganin ko na naman bumalik bukas. Sayang naman sa pamasahe at sa pagod. Aha! So naisip ko na I-text ang maganda kong pinsan para itanong kung pwede ako makitulog sa kanila. Hindi naman ako napahiya at sinabi nya na ayos lang daw akong makitira muna sa kanila sa araw na iyon. Habang nasa quantum ako ay nagtext sa akin si toyo at tinatanong kung natuloy ako sa aking lakad. Pagkakataon na lowbatt ang aking celpon kung kaya’t d ko sya nasagot. Tumambay ako sa quantum para panoorin ang naglalaro ng drummania at ang pesteng tekken 6 hahahha. Nang mabagot ako ay dumiretso na ko sa condo unit ni insan at ako ay nakatulog agad. Pagkagising ko ay sinubukan kong I-on ang aking cellphone, swerte naman na may toyo ang baterya kaya nakapag-reply ako kay toyo:

Ako: ne toyo, baka late na ako makapunta dyan sa inyo bukas kase d naging maganda yung pag-uusap namin nung kausap ko so magkikita ulet kami bukas
Toyo: ayus lang naman. Maaga din naman ako susunduin ng mga ka-tropa ko para sa inuman
Ako: aaahhh ok! Hinay-hinay lang sa inom. Nandito nga pala ako sa condo.

At tuluyan na ngang nawalan ng battery charge ang aking telepono. Pagdating ni insan sa condo ay sinabi nya sa akin na saglit lang sya sa condo dahil gigimik daw sila. Ayos lang naman sa akin kase pumunta lang ako dun talaga para makapagpahinga at makitulog. Hiniram ko ang kanyang celpon para makitext at mai-text si toyo. Parang walang patutunguhan ang pag-uusap namin ni toyo hanggang sa ako ay lumipat na sa kabilang kwarto para matulog. Naisip ko din na magandang pagkakataon ito na kagaya nung sa mga pelikula sa sinehan. Inisip ko na sadyaing pumunta sa kanila ng late na para d ko sya abutan, iiwanan ko na lang ang regalo sa kanilang bahay at ma-surprise na lang sya sa sandaling makita nya iyon.

February 14
Ang araw na pinakahihintay ng lahat ng may mga puso! Maaga kaming nagising ni pinsan at dahil sa awa nya sa akin ay pinahiram nya ang celpon ng kanyang asawa. Nag-send ako ng group message dahil sayang naman ang aking unlitext kung d ko ito magagamit. Nagreply si toyo ng quote ngunit d ko iyon ni-reply-an para naman magkaroon kahit papano ng element of surprise pag pumunta ako sa kanila (dahil d nga nya ini-expect na pupunta ako sa kanila at d ko din ini-expect na makita sya). Parang tampo mode or pakipot mode ako kumbaga hahahh. Naisipan ni pinsan na ngayong araw na bilhin ang pinangako ko sa kanyang gym bag (at dahil na din may tampuhan sila ng kanyang asawa). Umalis kami sa condo pagkatapos ng tanghalian para magpunta sa megamall. Pagdating namin doon ay pumunta kami agad sa pinagpagawaan ko ng portrait ngunit sa kasamaang palad ay d pa tapos kaya’t nagpasya kami na maghanap na muna ng gym bag. Naghanap si pinsan sa loob ng 3 oras at nang wala syang matrip-an ay napagdesisyunan nya na mag mall-hop papuntang trinoma. Kinuha namin ang aking regalo na portrait para kay toyo at kumain bago tuluyang sumakay ng MRT papuntang trinoma. Laking pasasalamat ko dahil nakakita agad sya ng isang magandang gymbag na sa bandang huli ay napagdesisyunan na naming bilhin. Pasado alas-kwatro nang ihatid nila ako sa may terminal at umuwi na din sila sa condo. Mag 5:30 ng hapon ng dumating ako sa bahay at sa d maipaliwanag na dahilan ay nagmamadali ako. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ako nagmamadali gayong alam ko naman na pag dumating ako sa kanila ay d ko naman sya aabutan. Nag-burn din ako ng kopya ng secondhand serenade na cd dahil nasira na daw ung kopya na binigay ko sa kanya dati. 5:45 ng hapon ng dumating ako sa kanila at nakita ko agad ang kanyang utol:

Ako: anou….
Utol nya: ate… may naghahanap sa yo.
Ako: *nagulat at nagtaka*
Ako: huh!? Nandyan sya?
Toyo: sino?
Utol nya: si jayp
Ako: *gulat at parang ako pa ang na-sorpresa*
Ako: baket andito ka? Akala ko ba may lakad ka ngayon?
Toyo: d na ko sinundo e. nakalimutan na yata. Humabol ka pa talaga sa vday? Anu yan?
Ako: bale eto yung cd tas eto gift ko sa yo. Pero wag mo munang buksan. Hintayin mong makaalis ako.
Toyo: *excited at d maitago ang saya*
Toyo: aaaaiiiii! Anu ba ito? Baka mamaya bomba ito kaya ayaw mo buksan ko.
Ako: d ko pa nga din yan nakikita e kaya mamaya mo na lang buksan pag alis ko.
Toyo: a basta bubuksan ko na.

Wala na akong nagawa at binuksan na nga nya ang aking regalo. Isang napakasarap na pakinggang “WOW!” ang namutawi sa kanyang mga labi. Kitang kita ko sa kanyang mga mata na talagang nasiyahan at nasorpresa sya sa aking binigay na regalo. At syempre dahil may toyo sya, ipinakita at pinangaya nya iyon sa buong pamilya nya. Sabi ng erpats at utol nya d daw nya kamukha kasi mas maganda daw yung nasa painting kesa yung nasa totoong buhay waahaha. At natural, habang andun ako ay nagkwentuhan kami kung anu anung mga bagay ang pumasok sa utak ko at iyon ang napili kong regalo sa kanya at ang mga bagay na pinagdaanan ko bago ko maibigay yun sa kanya. Ako ang bumangka sa aming kwentuhan (na napaka-rare manyari) at napapansin kong nangingiti sya habang ako ay nagkukwento. Pagdating ko sa bahay ay lubos pa din ang kanyang pasasalamat sa binigay ko sa kanya. Nag-text din sya at sinabi na na-touch daw sya ng sobra sa binigay ko sa kanya kaya d nya mapigilang mapangiti at masiyahan..

Anhaba pa neto at nag-usap pa kami pagdating ko sa bahay kaya lang sa tingin ko ay sapat na itong kwento ko na ito para sa entry na to.

2 comments:

Anonymous said...

travel guide of south dakota http://foxusa.eu/hotel/sanitize-hot-tub-in-hotel belleville travel agents ontario [url=http://foxusa.eu/airline/airline-moneytary-policy-fiscal-policy]airline moneytary policy fiscal policy[/url]
travel hairdryers with european adapters http://qipp.eu/cruises/europe-cruises-russia-amsterdam-germany discount cheap travel information [url=http://qipp.eu/inn/holiday-inn-jackson-florida]utah road and travel[/url]
jamaica multi trip travel insurence http://qipp.eu/inn/the-inn-at-earlowest dutchman grand junction travel trailer [url=http://qipp.eu/hotel/seatac-hotel-washington]seatac hotel washington[/url]
how was the first person the travel to space http://foxusa.eu/lufthansa/date-us-airways-emerged-from-bankruptcy agent description job travel [url=http://qipp.eu/tour/playstation-reviews-pga-tour-96]rta travel nj[/url]
ski bags for air travel http://qipp.eu/disneyland/kodak-disneyland travel alarm review [url=http://qipp.eu/disneyland/disneyland-hong-kong-pollution]disneyland hong kong pollution[/url]
theories on travel literature http://foxusa.eu/flight/delta-flight-attendants-names travel agents in singapore [url=http://qipp.eu/lufthansa/embraer-legacy]travel agents for sale in northern ireland[/url]

Anonymous said...

gabrielson travel http://icej.eu/moving/moving-guidlines interlink travel [url=http://icej.eu/lawn-care/career-information-on-lawn-care-worker]career information on lawn care worker[/url]
travel holiday italy http://icej.eu/house/cad-house-floor-plans vintage travel cases hardsided [url=http://icej.eu/window/window-vs-apple-video-systems]thailand and travel writing[/url]
gusty women travel http://icej.eu/home/painting-powder-coat-at-home review business travel credit card [url=http://icej.eu/decor/best-prices-kitchen-and-home-decor]best prices kitchen and home decor[/url]
discount air travel to montreal http://icej.eu/kitchen/sams-premade-kitchen-island travel to canada passport needed [url=http://icej.eu/home/florida-home-mobile-rental-vacation-htm]travel salad serving bowl[/url]
backgammon and travel and real leather http://icej.eu/moving/rent-a-center-moving-policies travel insurance for divers [url=http://icej.eu/home/jones-family-funeral-home]jones family funeral home[/url]
denny p travel http://icej.eu/roofing/roofing-london ge travel booking [url=http://icej.eu/house/house-judiciary-committee-report-101-485]travel toothbrush sanitizer case[/url]