Saturday, November 29, 2008

take my hand in your darkest hour


edits: none
model: lelouch vi britania action fig

Lahat naman tayo may problema e, pero ang pinag-iba lang ng mga tao ay yung kung papano nila dalhin at harapin yung problema.

Samapagita: maraming, maraming salamat sa buhos ng tubig. Marahil kung wala ka, matagal na akong natuyo at nawalan ng bango. maraming, maraming salamat sa yo!
Ulan: walang anuman! gagawin ko lahat ng ito para lang sa yo, kahit pa matikas ang sikat ng araw, pupuntahan pa din kita.
Sampagita: korni neto! Tas pag magkasama tayo palagi ka namang umiiyak…
Ulan: dduuhhhh.. ulan nga ako e… kelangan ko lumuha para may lumabas na tubig.
Sampagita: bakit ka umiiyak? Malungkot ka ba? Naka-ilan redhorse ka na naman ba?
Ulan: malungkot na malungkot dahil maraming mga bagay na bumabagabag sa akin. Mga bagay na d ko naman alam kung dapat nga bang isipin.
Sampagita: alam mo naman nandito lang ako e. pwede mo naman akong kausapin. Maaari kong ipaamoy sa iyo ang aking halimuyak nang sa gayon ay maibsan ang iyong nararamdaman. Baket ka ba kasi malungkot?
Ulan: d ko pwedeng sabihin sa yo… kelangan ko munang kausapin ang 7th angel.
Sampagita: andaya mo naman e! ako sinasabi ko sa yo lahat ultimo tatak ng pesticide na ginagamit sa akin.
Ulan: d ko pwedeng sabihin sa yo kung baket ako malungkot kase ikaw mismo ang dahilan nito…
Sampagita: kilala mo na ko. Alam mo na kung anu anung mga insekto at pesticide ang inilalagay sa akin. Masyado ng magulo ang mundo ko kaya wag mo ng tangkain pang pumasok pa… sa isang iglap, mawawala na lang ako mula sa iyong paningin at kalinga. D dahil pinagtataguan kita o nagalit ako sa yo bagkus ayaw na kitang madamay pa sa magulong buhay ko. Kung saan-saan ako mapupunta, kung sinu-sino ang bibili sa akin at pagkatapos ng ilang araw ako ay matutuyo at malalanta din. Pero ito ang tandaan mo, isa ka sa mga bagay na pinapahalagahan ko!
Ulan: F me! F me! F me kalachuchi! May narinig ka ba sa akin nung pinasok ka ng bubuyog at kuhanin ang iyong pukyot? Nung may pesticide ba, kahit poisonous ka, iniwan ba kita?
Sampagita: e bakit ba kasi pinagpipilitan mo yang tubig mo sa akin!? Dun ka na lang sa kalachuchi… tutal d naman sya nabebenta sa simbahan e.
Ulan: whatever….
Sampagita: ay putangina ka! Umalis ka na nga dito! Bumabaha na! o baka naman gusto mo pa utusan ko yung bubuyog ko para putaktihin ka!? Alis dyan! Wag mong pagsiksikan sarili mo sa bagay na ayaw sa yo! pakyu!

Lahat tayo, naghahanap ng kakapitan sa oras ng ating mga problema. para sa mga tao na sakop sa henerasyon ko, mas madalas buhay pag-ibig at pakikipagsapalaran ang nagiging sanhi ng ating pagkabagabag. Ngayong dumapo sa akin ang epidemyang ito, sinu ba ang aking matatakbuhan? Ang tanging napaghingahan ko ng sama ng loob at nararamdaman ko ay si 7th angel at ang jennylicious ngunit may hinahanap pa akong iba. Isang tao na marinig ko lang ang tinig ay lumalakas ang aking kalooban. Isang tao na kaya kong ipaglaban. Ngunit papano ako tatakbo sa kanyang mga kamay kung sya mismo ang sanhi ng aking nararamdaman!?

No comments: