edits: auto tone (photoshop lightroom preset)
location: our home
Andaming nangyari nitong mga nakaraang araw at hindi ko alam kung papano at saan magsisimula. Sya ang naging susi kung bakit nagbago ang disenyo at pigura nitong blog ko. Siya ang naging dahilan upang maranasan ko kung papano maging masaya at ma-enjoy ang buhay ko. Binago nya kung sino ako at ang aking mga paniniwala, bagay na paulit-ulit kong sinasabi sa aking mga katropa na hindi madaling gawin. Ngunit sadyang mapgbiro talaga ang tadhana at sa isang iglap, ako ay nabali at wari’y isang laruan na nawalan ng halaga.
Isa sa mga ka-opisina ko ang madalas kong nakaka-kwentuhan tungkol sa mga ganitong mga bagay. Marahil naging komportable na akong kausap sya kung kaya’t sya ang nakaka-usap ko kahit na wala naman kaming binibigay na pangalan. Animo’y isang parehong sitwasyon ang napagdaanan nya noon at ang nangyayari sa akin ngayon at sa isa naming pag-uusap:
Ako: dude, bakit ganun? Kahit sinaktan at niloko na sya ng dalawang beses, mahal padin nya yung tao?
Senior: dude, ganun talaga! Pagmahal mo ang isang tao, magiging bulag at pipi ka talaga. Tatanggapin mo lahat ng pagkakamali nya at ngiti lang ang isusukli mo. Mahal mo kasi sya e.
Ako: eto pa masama – nahuli na nya sa akto na nanloloko, sukat akalain mo ba naman na sabihin sa akin na bibigyan pa daw nya ng isa pang pagkakataon yung “ex” nya. Trip ko syang batukan. Ngumingiti lang ako pero parang andaming sibat na tumutusok sa puso ko.
Senior: gaya ng sabi ko, pag mahal mo yung isang tao, gagawin mo lahat – kahit ibig sabihin nun ay magpakatanga ka.
Ako: kahit na ang ibig sabihin nun ay pagyurak sa karapatan mo bilang isang tao at bilang isang babae?
Nasaktan talaga ako ng husto ng makita ko syang lumuluha sa aking harapan at parang mas doble pa ang sakit na aking nararamdaman. Wala akong magawa kung hindi samahan at damayan sya sa kanyang dinaramdam. Sa isang banda, kahit papano ay nasiyahan ako dahil ang ibig sabihin noon ay libre na sya at maaari ko ng ipagpatuloy ang naudlot kong balak noon. Hindi ko na ikukwento ng lubos ang mga nangyari nung mga panahong iyon kase masyadong hahaba ang aking istorya. Lumipas ang mga araw na kami ay nagpapalitan ng mga mensahe sa text at parang di kumpleto ang gabi kapag d ko nababasa ang kanyang text. Sa mga sumunod na araw, minabuti ko na tumakas sa opis sa kalagitnaan ng “working hours” upang kami ay magkita sa isang mall at maglibang. Dumating pa sa punto na ako ay umaalis ng maaga sa opis o yung tinatawag na “undertime” para sa gayon ay magkasama kami ng matagal. Dis-oras na ng gabi pag ako ay umuwi sa bahay pagkatapos naming magkita (at may pasok pa kinabukasan nun) pero di ko yun ininda. Noong nakaraang linggo lamang, nagkita kami sa roxas boulevard na nun ko lamang napuntahan. Lingid sa aking kaalaman, iyon na pala ang huli naming pagkikita.
Isang napakasimple at napakagandang dilag ang bumulaga sa akin pagkababa ko sa istasyon ng vito cruz. Bumili sya ng apat na hamburger at minabuti namin na sa roxas boulevard na lamang iyon banatan. Ambaho ng pesteng manila bay! Wahahahhaha! Pasensya na, kelangan ko lang talagang ialis sa sistema ko yun heheheh. Wari akong naging turista sa piling nya. Umupo kami sa isang bahagi ng napakahabang hilera ng pahingahan sa tabi ng ilog/dagat. Andaming bagay naming napagkwentuhan at naging masaya ako na nangyari ang gabing iyon. Hindi ko maalala ang eksaktong pagkakataon ng sabihin niya sa akin na “dude, sinabi sa akin ng “ex” ko na nakipag-break na daw sya dun sa dati nyang girlfriend.” D maipaliwanag na takot at alinlangan ang aking nadama. Muling namutawi sa aking isipan ang sinabi sa akin ni senior. Natakot talaga ako ng husto! Habang lulan kami ng taxi, tumatawag sa kanyang telepono ang “ex” nya. Maka-ilang beses iyon at dumating pa sa punto na sinabi nya sa akin na sagutin ko daw yung telepono para malaman nung “ex” nya na kami ang magkasama. Sa di ko malaman na dahilan, tumanggi ako na sagutin ang tawag. Bago kami maghiwalay ng landas, tinanong nya ako:
Jexamine: dude, masaya ka ba ‘pag kasama mo ko?
Ako: syempre naman! Sa tingin mo ba mag-a-undertime ako at tatakas sa office if inde ko gusto na kasama ka? Masayang masaya ko pag kasama kita!
Matapos nito ay sumakay na ako ng bus upang makauwi na sa bahay. Lumipas ang mga araw na wala akong naririnig mula sa kanya. Hinahanap-hanap ko ang kanyang mga texts na nagsasabi na magkita kami na syang hudyat upang ako ay tumakas sa opisina. Nag-text ako sa kanya ng napakadalas ngunit wala akong nakuhang mga sagot. Muli ko na namang naisip ang sinabi sa akin ni senior na naging dahilan ng aking pagkabalisa. Hindi ako mapakali. Hanggang sa napagdesisyunan ko na tawagan na lamang sya. Bumaba ako ng opis upang magkaroon ng magandang tanawin at tahimik na paligid. Nanlalamig at nanginginig ang aking mga kamay sa pagpindot ng kanyang mga numero. Sabik na sabik akong marinig ang kanyang boses, malaman ang kanyang kwento at madama ang kanyang mga ngiti. Eto na! Tapos nang mailagay ang numero! Nag-ri-ring na! Biglang isang lalaki ang sumagot. Napatingin ako sa numero na aking nilagay. Baka lang kako nagkamali ako ng nai-dial kaya ganun. Para naman di masayang ang aking load nagtanong na din ako:
Ako: hello. Eto pa din ba yung number ni jexamine?
Boses: Oo! Baket? Sino ka?
Ako: nandyan ba sya? Pwede ba sya makausap? May sasabihin kasi ako e.
Boses: wala e. nagpalit KAMI ng sim, try mo na lang mamaya.
Ako: ganun ba!? Sige salamat.
Biglang nagdilim ang aking paningin. Nangyari na ang ganitong insidento isang taon ang nakakalipas ng saktong tumawag ako sa kanila ng pasko at ang boses na iyon ang sumagot. Sinabi din nya sa akin na wala si jexamine doon at nalaman ko na lang na iyon pala ang boyfriend nya. Andaming mga tanong na pumasok sa utak ko. Nagulumihanan ako. D ko alam ang aking gagawin at di ko din alam kung anu na ang nangyayari. Pumanhik ako sa opisina. Nakatulala lamang sa harap ng aking monitor. D alintana ang kasiyahang nagaganap. Sinabi ko na lamang sa aking sarili na huwag humusga ng kahit na ano. Mas mabuti na sa kanya mismong bibig manggaling kung sino yung boses at kung talagang nagkabalikan na sila. Ang sakit-sakit ng nararamdaman ko! Kung legal lang na dumugo ang puso (literal na dumudugo), siguro makakapag-donate na ako sa red-cross ng 5 sako ng dugo!
Naghintay ako ng mga araw ngunit hanggang sa ngayon ay wala pa din akong naririnig mula sa kanya. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Pinaghalong sakit at pangamba na baka wala na nga talaga akong hinihintay pa. Natatakot ako na malaman na wala na sya… ansakit-sakit!!!!
Note: I’m so sorry for this lengthy post. I just couldn’t help but release this burden that I am in right now. I always sez to myself “just keep the faith and trust” but the flesh is weak and I don’t know how much long I can take this.
8 comments:
awwww... isa kang emo T_T ...kaya mo yana... actually nakaya mo ngang i-post ang nakaka-emote mong pic... hehehe... makaka-move on ka rin... hanap ka na lang ng iba!
hay pagibig nga naman.. nakakasuya na hehehe
sabi nga ng tatay ni shikamaru, kung masakit, the first step is to cry (hindi ka bading kung iiyak ka), ilabas mo lahat ng frustration, anger and whatever na nararamdaman mo..., then after the best cry of your life, you can move on and pick up what's left and figure out what you're next move is... ^_^
@ser roland
wwwwaaaahhhh!! tawagin mo na akong lahat ng names wag lang po emo T__T...
@mam canky
tumpak ka dyan pero ansarap din sa pakiramdam (self-confessed masochist)
@ser jpx3m
napanood ko na nga yun...totoo naman yun pero "move on" is such a strong word ^_^
there's no such thing as moving on... but there's such a thing as "acceptance"...
dude isa kang emoticons!!!
Don't be a slave of this feeling
called "LOVE"! LOVE is a deceitful feeling that will lead you to total destruction. Be wise and don't be a foolish. A True Lover will come to you like magic.
@ ser blogjumper
ggaahhh!! d pa nga ako nag-uumpisa feeling ko olats agad.. sakit sa ego huhuh
@ser padlock
nabuhay ka! kilala mo naman ako.. d ako basta basta tinatablan ng ganyan kaya lang gaya nga ng sabi ni senior and i quote "o panu ba yan dude!? nakahanap ka din ng katapat mo!"
dude... may nahukay na lumang scroll or papel... ilang libong taon ka na bang emo? eto ung ebidensya o...
visit
Post a Comment